^

Punto Mo

Holiday pay ng mga empleyado, kailangan bang bayaran ngayong ECQ?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Kailangan ko bang bayaran ang holiday pay ng aking mga empleyado noong Mahal na Araw? --Jess

Dear Jess,

Nakadepende ang sagot sa iyong katanungan kung nagpatuloy ba ang operasyon ng negosyo mo sa kabila ng ipinapatupad na enhanced community quarantine (ECQ) o kung tuluyan bang tumigil o suspendido ito.

Batay sa Labor Advisory No. 13 at 13-A na inisyu ng Department of Labor and Employment (DOLE) noong March 30 at April 1, 2020, exempted na sa pagbabayad ng holiday pay ang mga establisimentong tuluyang tumigil ang operasyon simula nang ipatupad ang ECQ.

Ayon din sa mga nabanggit na labor advisories mula sa DOLE, kakailanganin mo namang magbayad ng holiday pay para sa mga araw ng April 9, 10 at 11 kung nagpatuloy ang operasyon ng establisimento mo sa kabila ng ECQ kahit pa sabihin mong work from home naman ang mga empleyado mo. Sa madaling sabi, basta’t hindi lubos ang pagkatigil ang operasyon ng isang negosyo, dapat bayaran ng holiday pay ang mga empleyado.

May palugit naman ang mga employer sa pagbabayad ng holiday pay para sa nakaraang Mahal na Araw. Binibigyan ng konsiderasyon ng DOLE ang kinakaharap ngayong krisis ng ating bansa kaya ayon sa Labor Advisory No. 13-A, maaring ipagpaliban ang pagbabayad ng holiday pay para sa April 9, 10, at 11 hanggang sa matapos na ang kasalukuyang national emergency at magbalik na sa normal ang operasyon ng establisimento.

vuukle comment

ECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with