^

Punto Mo

Pagbabayad ng13th month pay sa panahon ng ECQ

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

May negosyo ako na napilitang magsara ng pansamantala dahil sa ipinapatupad na lockdown. May mga empleyado po ako na humihiling na sana ay makuha na raw nila in advance ang kanilang 13th month pay upang pantustos sa panganga­ilangan nila ngayong wala silang natatanggap na sahod dahil “no work-no pay.” Obligado po ba ako bilang employer na sundin ang kahilingan nila?

--Sonny

Dear Sonny,

Wala namang nakasaad sa batas na required ang isang employer na magbigay ng advance na 13th month pay sa mga empleyado dahil sa ipinatutupad na enhanced community quarantine (ECQ).

Gayunpaman, base na rin sa mga pahayag ng ating pamahalaan na kung maari ay pangalagaan ng mga employer ang kapakanan ng manggagawa, puwede namang i-exercise ng employer ang kanyang management prerogative at ibigay na ang 13th month pay ngayon upang mabawasan na rin ang hirap na dinaranas ng mga empleyadong nabawasan o tuluyang nawalan ng kita.

Sa madaling sabi, nasa sa iyo pa rin bilang employer ang pagpapasya, base na rin sa katayuan ng iyong negosyo, kung ibibigay mo na ngayon ang 13th month pay ng mga empleyado.

Kung sakaling magpasya ka nang i-advance ito, maari mong ibigay nang buo o pro-rated base sa kung ilang buwan na ang nakakalipas ngayong taong ito.

Idagdag ko lang din na siguraduhin mong dokumentado ang iyong pagbibigay ng 13th month pay at linawin mo sa mga empleyado na 13th month pay ang ibinibigay mong halaga nga­yon. Ito ay upang asahan na nila na kung hindi man bawas ay wala na silang matatanggap na 13th  month pay (kung buo mo na itong ibinigay ngayon) sa dulo ng taon.

vuukle comment

ECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with