^

Punto Mo

Babae sa California, arestado matapos dilaan ang mga paninda sa grocery

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ARESTADO ang isang babae matapos niya diumanong dilaan ang mga panindang nagkakahalaga ng $1,800 (katumbas ng P91,000) sa isang grocery sa California.

Ayon sa isang empleyado ng Safeway supermarket, nahuli raw nilang dinilaan ng 53-anyos na si Jennifer Walker ang ilang tinda nilang alahas bago niya ito inilagay sa kanyang shopping cart kasama ng iba pang mga produkto.

Umikot din diumano si Walker sa buong grocery habang dinidilaan ang iba pang mga paninda bago ilagay ito sa kan­yang shopping cart.

Tumawag na ng pulis ang mga empleyado ng grocery matapos mapag-alaman na wala naman palang pambayad si Walker sa mga paninda na nasa kanyang shopping cart.

Itinuring na kontaminado ang lahat ng panindang kanyang inilagay sa kanyang shopping cart kaya itinapon kaagad ang lahat ng ito.

Sinampahan ng kasong vandalism si Walker, na hindi naman maipaliwanag ang kanyang ginawang pagdila sa mga paninda.

vuukle comment

GROCERY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with