^

Punto Mo

Espesyal na lalagyan ng sanggol,dinisenyo ng isang ama sa China laban sa coronavirus

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

UPANG maprotektahan ang kanyang dalawang-buwang sanggol mula sa coronavirus, nagdisenyo ang isang ama sa China ng espesyal na lalagyan na kumpleto sa air purification system para maari niyang mabitbit ang anak kahit saan sila pumunta.

Mayroon pang air monitoring system ang lalagyang ginawa ng 30-anyos na si Cao Junjie upang makita kung napupuno na ng carbon dioxide ang loob nito.

Isang buwan daw ang ginugol ni Cao bago niya natapos ang espesyal na lalagyan, na ginawa niya mula sa isang dating lalagyan para sa mga alagang pusa.

Noong una raw, hindi pa sigurado ang asawa niyang sa Fang Lulu kung magiging komportable ang anak nila sa espesyal na lalagyan.

Ngayon ay hindi na siya nangangamba dahil ilang beses na raw nilang nagamit ito, ayon kay Fang.

vuukle comment

CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with