^

Punto Mo

Bakit?

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

NAG-UUSAP silang mag-asawa. Mahina lang ang kanilang boses dahil baka sila marinig ng kanilang mga apo.

Napapaiyak ang babae. Hindi na guminhawa ang kanilang buhay kahit kailan. Pareho silang empleyado ng gob­yerno. Noong bata pa ang kanilang mga anak, naghihirap na sila. Ngayong nakatapos na ang kanilang anak sa pag-aaral, ang tingin nila ay lalo pa silang naghirap.

Nakatapos ng kolehiyo ang kanilang mga anak pero hindi pa nakakakuha ng trabaho ay lumarga na sa pag-aasawa. Hindi naman mayayaman ang napangasawa kaya kahit na may pamilya, sa kanila pa rin ang takbo kapag walang maipambili ng gatas sa mga anak nito.

Nang magretiro sila sa trabaho, hindi nila na-enjoy ang kanilang natanggap na retirement benefits dahil sa kanila pa rin iniasa ang pagpapaaral sa mga apo na anak ng kanyang panganay na biyuda.

Ang bunso ay hindi makatulong sa problemang pinansiyal ng mga magulang dahil hirap din ang buhay nito. Naisip ng matandang mag-asawa, hindi rin pala garantiya na magkakaroon ng magandang buhay ang iyong mga anak kung nakatapos sila ng pag-aaral.

Lagi nilang naitatanong sa isa’t isa, bakit lagi tayong naghihirap? Masipag naman tayong maghanapbuhay. Mabuti tayong magulang. Hindi tayo nagnanakaw at lalong walang inaaping mga tao.

Kaso hindi nila naalaala ang mga pangyayaring sumusunod: 1) Nangutang ang matandang lalaki sa isang kaibigan. Nang singilan time na, sila pa ang may ganang magalit nang kinukulit na sila para magbayad. Nakipagsuntukan pa ang matandang lalaki sa kanyang inutangan matapos magkapalitan ng masasakit na salita. Pinanindigan na ng lalaki na huwag nang bayaran ang utang kahit kailan; 2) Ang matandang babae ay maraming utang na tinakasan noong kabataan niya.

Hindi naisip ng mag-asawa, na ang hindi pagbabayad ng utang ay katumbas na rin ng pagnanakaw ng pera. Hindi sila nagbayad kaya technically, “nakaw” na ang tawag doon. “Ninakaw” nila ang perang pinaghirapan ng ibang tao.

           

vuukle comment

BAKIT?

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with