^

Punto Mo

Virus sa jeepney

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

SA Facebook minsan, ilang netizen ang tumalakay sa ilang isyu sa mga pampasaherong jeepney kaugnay ng mga pag-iingat laban sa novel coronavirus 2019 (COVID-19). May nagmumungkahing dapat itigil na ang pagpapasa-pasa ng pamasahe ng pasahero lalo na ang mga nakaupo malayo sa driver o iyong mga nasa hulihan. Gayundin ang sukli buhat sa driver na kailangang iparating sa pasaherong nasa hulihan. Hinihinalang mabilis ang pagkalat dito ng virus kung meron man na maaaring sa pamamagitan ng perang nagpapasa-pasa sa iba’t ibang kamay. Hindi rin maiiwasang magkakasalatan ng mga daliri o palad ang mga pasaherong nag-aabot at tumatanggap ng pera dahil nga sa distansiya ng driver sa kanyang mga pasahero.

Hindi kasi tulad ng mga pampasaherong bus na merong konduktor na kumokolekta ng pamasahe at nagsusukli ang mga pampasaherong jeepney. Dapat siguro tingnan din ng mga kinauukulan ang isyung ito kung isa nga itong isyu.  Meron ngang netizen ang pabirong nagmungkahi na maglaan ang driver ng bowl na may alcohol na lalagyan ng mga barya para ma-sanitize ang mga ito, kaso, hindi naman puwede ito sa perang papel.

O kaya, siguro, magdala na lang ng alcohol o hand sanitizer ang mga pasaherong sumasakay ng jeepney yaman din lang na ito rin ang inirerekomenda ng mga health expert na dapat gawin kung merong nahahawakang mga bagay na maaaring nakakapitan ng virus. Kung nagagawa ng maraming pasahero ng jeepney ang makapagsuot ng face mask  habang nasa biyahe, maaari rin silang magdala ng hand sanitizer o alcohol bilang bahagi ng pag-iingat laban sa COVID-19. Ito sa palagay ko ang isang praktikal na paraan kung walang ibang remedyo sa problema ng pagbabayad ng pamasahe sa jeepney.

May paniniwala ang mga health expert na  ang COVID-19 ay maaaring mailipat din sa pamamagitan ng mga surfaces tulad ng perang papel na nahawakan ng taong nahawahan ng virus.  Maaari umanong manatili sa pera ang virus sa loob ng 10 araw. Sinasabi naman ng World Health Organization na mainam na maghugas ng kamay pagkatapos humawak ng pera bilang pag-iingat.

Kaya, sa kaso ng mga pampasaherong jeepney, marami nang beses nagpapalipat-lipat dito ang mga pera, pambayad man o sukli. Iba’t—ibang tao ang humahawak at sa iba’t-ibang tao nagpapasalin-salin ang pera bukod sa iba’t-ibang lugar ang pinagmumulan nito. Lalong kawawa rito iyong driver dahil napapakasamay niya ang mga perang napakaraming iba’t-ibang tao ang pinanggalingan.

Gayunman, wala pa namang opisyal o pinal na pag-aaral kung talagang naisasalin sa pamamagitan ng pera ang COVID-19. Ang pinagbabatayan pa lang nito ay ang sinasabing paglipat ng virus sa mga bagay na nahahawakan ng mga taong nadapuan ng naturang sakit. Pero, bilang bahagi ng pag-iingat, ipinapayo ng WHO ang paghuhugas ng kamay pagkatapos humawak ng pera.

Email: [email protected]

vuukle comment

JEEPNEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with