^

Punto Mo

Ang nag-aalburotong Kongreso?

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

HINDI pa man ay marami na ang kumokontra sa nalalapit na pag-take over ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco para palitan bilang House Speaker si Rep. Alan Peter Cayetano kaya naman nag-aalburoto ang kongreso dahil sa isyung ito. Sabi nga, para sasabog? Bakit?

Si Velasco ang pinagbibintangan na pasimuno diumano ng “coup” para masibak si Cayetano sa puwesto nito at pumalit ang una ?

Naku ha! Totoo kaya ito?

May kasunduan ang dalawa sa harap mismo ni Boss Digong tungkol sa term-sharing. Sabi nga, si Velasco ang papalit kay Cayetano sa October para umupo sa trono na iiwanan ng huli.

May mga isyung pinapuputok tungkol sa track record ni Cayetano porke di hamak na lamang ito kay Velasco kung ang pag-uusapan ang mga naging puwesto nito sa gobierno tulad ng DFA Secretary, naging Senador at kongresista kaya naman marami raw ang nagtatanong kung ano naman ang kay Lord?

Si Lord ay naging staff ng kanyang erpat na si Associate Justice Presbitero Velasco sa Supreme Court, naging provincial administrator sa Marinduque at chapter President ng IBP sa kanyang probinsiya. 

Noong nakaraan election muntik ng hindi makaupo si  Lord bilang kongresista ng Marinduque last 2013 ng matalo siya kay Regina Ongsiako-Reyes. Nakaupo rin  si Lord noong huling linggo ng 16th Congress dahil nag-file sila ng protesta na American citizen si Ongsiako-Reyes kaya nadisqualify ito. 

Si Lord, ay naging chairman ng House energy committee, naging Oversight Committee of Solid Waste Management Act at Co-Chairman of Joint Congressional Power Commission. Marami ang umaasa na uupo si Lord bilang kapalit ni Alan dahil may isang salita ang huli tungkol sa team-sharing .

Saan pupunta si Alan oras na bumaba ito sa kanyang trono? May mga nagsasabing baka sa DoJ ito mapunta oras na mag-say goodbye si DoJ Secretary Guevarra going to Supreme Court?

Naku ha! Totoo kaya ito? Abangan.

vuukle comment

KONGRESO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with