^

Punto Mo

Sundalo sa Russia, nag-propose gamit ang 16 na tanke

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

PARA mag-propose sa kanyang nobya, isang tinyente sa Russian army ang gumamit ng 16 na tanke na nagsipuwesto upang bumuo ng hugis puso.   

Nagkaroon ng pansamantalang pagtigil ang military exercises na isinasagawa malapit sa Moscow matapos ipag-utos ng platoon commander na si Denis Kazantsev na bumuo ng heart shape ang mga T-72B2 tanks na kalahok. 

Makikita sa video ng proposal ang pagpuwesto ng tanke sa isang hugis puso na formation, bago akayin ni Kazantsev ang kanyang nobya sa gitna nito.

Nakapiring ang mga mata ng babae kaya naman nagulat ito sa mga tankeng nakapaligid sa kanila ni Kazantsev, na nag-propose na sa kanyang nobya sa pamamagitan ng pagluhod at pag-abot ng engagement ring.

Tagumpay naman ang “operasyon” dahil ibinigay ng babae ang kanyang matamis na “Oo” kay Lt. Kazantsev.

vuukle comment

RUSSIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with