^

Punto Mo

Ang kaso ng ginawing pinuno

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

PANAHON iyon na hindi pa natutuklasan ang apoy. May isang pinuno ng tribu na hindi makatulog kapag panahon ng taglamig at pag-ulan ng yelo, dahil sobra siyang nagiginaw. Kahit pa sapin-sapin ang balahibo ng tupa sa kanyang higaan, nangangaligkig pa rin ito sa ginaw lalo na sa gabi.

Nagpatawag ito ng pulong sa mga ministrong kilala sa pagiging matalino para tulungan siyang mag-isip ng paraan upang hindi siya sobrang ginawin. Ang pinuno ng tribu ang unang nagbigay ng suhestiyon.

“Ano kaya’t palibutan ninyo ng tinahing balahibo ng tupa ang aking silid upang hindi pumasok ang lamig dito.”

“Mahal na pinuno, sobrang lawak po ng inyong silid. Hindi po sasapat ang lahat ng balahibo ng alaga nating tupa. Isa pa, kung aahitin natin nang todo ang balahibo ng tupa para makakuha ng maraming balahibo, sila rin po ay kakaligkigin sa ginaw at magiging dahilan pa ito upang mamatay sila sa lamig.”

“Aber, ano ang dapat gawin? Siguraduhin mong may kuwenta ang suhestiyon mo. Kung hindi, lumayas ka sa harapan ko at huwag nang magpapakita kahit kailan.”

“Mahal na pinuno, naisip kong ipagtahi ka ng damit na yari sa makapal na balahibo ng tupa. Ang katawan mo ang babalutin ng balahibo ng tupa upang hindi ito malamigan sa araw at gabi. Sa ganitong paraan, kakaunti lang ang kakailanganing balahibo ng tupa. Mawalang galang na, hindi po kaila sa mga tao na mahilig kang matulog na hubo’t hubad kaya hindi kataka-taka na giginawin ka.”

“Everyone thinks of changing the world, but no one thinks of changing himself.” —Leo Tolstoy

vuukle comment

KASO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with