^

Punto Mo

Ano ang nasa likod ng Ped Xing?

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

UNA kong napapansin noong araw ang road sign na Ped Xing malapit sa Philippine General Hospital sa Maynila. Hindi ko alam na road sign pala iyon. Parang isa lang siyang poster para sa isang bagay o lugar o tao bago ko napagtanto kinalaunan na isa lang iyong  sa mga traffic sign sa kalsada tulad ng No Left Turn, One Way, Speed Limit, Dead End, No Parking, Road Work Ahead, U-Turn, Detour at iba pa.   Pero nakakatawag nga naman ng pansin itong Ped Xing dahil sa kakaiba sa tila pangalang Intsik nito. May mga nagbibiro nga na baka pangalan ito ng isang kilalang Intsik. Maraming kalsada na rin sa ilang bahagi ng  bansa ang may ganitong sign.  Isa ngang senador ang nagpahayag ng kanyang obserbasyon hinggil dito nitong nagdaang linggo nang  sabihin niya na kung siya ang masusunod ay papalitan niya ang Ped Xing na ito na ang talagang ibig sabihin ay pedestrian crossing.

Mas maganda anyang ipalit sa Ped Xing na ito ang simpleng kataga na “tawiran” o kaya ay ilahad ang buong katagang pedestrian crossing.

 Pero, tulad ng sinasabi sa ilang mga impormasyon hinggil dito, ang Ped Xing ay pinaik­ling Pedestrian Crossing na sa wikang Filipino ay tawiran ng tao bilang babala sa mga motorista.

Sinasabing ang mga traffic sign ay may sinusunod na pamantayang sukat at hindi kasya sa mga sukat nito ang mahahabang mga salita na tulad nga ng pedestrian cros-sing na dahilan para paikliin ito at gawing Ped Xing (Pinaikli at pinagsamang salitang pedestrian crossing).

Sa isang ulat sa Philkotse.com, sinasabi ng isang arkitektong si Dan Simeon na sinimulang gamitin sa Metro Manila ang Ped Xing sign noong 2003 bilang bahagi ng Lighted Street Sign at Muti-Traffic Signals Project. Pero, bago pa man ang 2003, ginagamit na rin umano sa ibang bahagi ng mundo ang road sign na ito.

Sinasabi pa na ang Ped Xing road sign ay ginagamit para ipaalam o magbabala sa mga motorista na papalapit na sila sa isang tawiran ng mga tao sa kalsada kaya kailangan nilang bagalan ang takbo ng kanilang sasakyan. Karaniwang ikinakabit ito sa mga lugar na walang intersection pero kailangang magkaroon ng tawiran ng mga tao para makarating sila sa kabilang bahagi ng kalsada.  Ginagamit din ito sa mga intersection na walang pedestrian lane o pedestrian overpass.

vuukle comment

PED XING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with