^

Punto Mo

EDITORYAL - Babala sa mga magvi-vape sa publikong lugar

Pang-masa
EDITORYAL - Babala sa mga magvi-vape sa publikong lugar

MADALAS makakita na may nagvi-vape sa kung saan-saang lugar. Madaling mapansin sapagkat ang ibinubugang usok ay parang sa nag-aalburutong bulkan. Ngayon ay hindi na ito puwede sapagkat ang sinumang magvi-vape sa public places ay aarestuhin at pagmumultahin.

Nilagdaan noong nakaraang linggo ni President Duterte ang Executive Order 106 na nagbabawal mag-vape sa lahat nang public places. Nakasaad din sa EO 106 na mahigpit na pinagbabawal ang pag-manufacture, pamamahagi at pagbebenta ng unre-gistered vaping products. Bawal din ang magbenta ng vape sa menor-de-edad.

Noong nakaraang taon pa ipinag-utos ng Presidente ang pagbabawal sa pag-import at paggamit ng vape o electronic cigarettes. Ang utos ay ginawa ilang araw makaraang mapabalita na isang 16-anyos na babae sa Cebu ang nagkasakit dahil sa paggamit ng vape. Ayon sa report, anim na buwan nang gumagamit ng vape ang biktima. Ang pangyayaring ito ang lalo nang nagpasidhi sa Department of Health (DOH) para hilingin na itigil ang paggamit ng e-cigarettes. Noong nakaraang taon pa naging maigting ang DOH para sa total ban ng e-cigarettes. Pero marami ang tumututol sa gusto ng DOH. Ilang mambabatas ang kumukontra sapagkat hindi raw makatwiran ang total ban na nais ng DOH. Sa halip daw i-ban, buwisan na lamang ang vape.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, hindi lamang ang gumagamit ng vape ang apektado kundi pati na rin ang mga nakalalanghap ng second hand smoke. Kumpara sa sigarilyo, mas matindi ang nakalalasong kemikal na nakahalo sa e-cigarettes.

Ang pag-uutos ng Presidente na nagbabawal sa pagvi-vape sa publikong lugar ay magandang hakbang para mailigtas sa pagkakasakit ang mamamayan. Nararapat ito lalo na ngayong pati kabataan ay nahuhumaling sa vape.

vuukle comment

VAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with