^

Punto Mo

Operator ng umararong jeep sa mga estudyante sa Makati, habulin din!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Hindi na dapat pang magtumpik-tumpik ang Makati City police. Dapat nang sampahan ng kaso hindi lamang ang nadakip na jeepney driver na sangkot  sa malagim na aksidente na umararo sa  grupo ng mga kabataang estudyante sa lungsod noong nakalipas linggo.

Dapat na ring habulin, gaya ng sinabi ni Makati Mayor Abby Binay ang operator ng jeep.

Mistulang wala itong pakialam sa trahedyang kinasangkutan ng kanyang jeep at driver nito.

Nag-aalok man tulong eh sya pa ngayon ang may mga kondisyon at kung anu-anong papirma ang pinagagawa sa pamilya ng mga naging biktima.

Matindi ang inabot na pinsala ng mga mag-aaral, isa pa nga rito eh nasawi sa insidente ang ilan nananatiling nasa pagamutan at may matinding pinsala sa katawan.

Dapat sila ang sumagot sa gamutan ng mga ito na mahaba-haba pang araw ang talagang kailangang ipanatili sa pagamutan.

Bukod nga dyan sa naabala at naapektuhan na rin ang isinasagawang pag-aaral ng mga bata.

Obvious naman na talagang may kapabayaan ito, biruin mong pagmanehohin ang driver na walang lisensya, ayun ang kumag at nandamay pa.

Imposibleng hindi niya alam na wala itong lisensya siyempre dapat ito ang una niyang hinahanap sa mga nag-aaply sa kanya.

Ang nadakip na driver, nagpositibo pa sa droga.

Kaya pala nagmamaneho na walang lisensya at nahuli na pala ito sa mga paglabag.

Sana ay matulungan na rin ng Pamahalaang Lungsod ng Makati ang pamilya ng mga biktima, simula sa nasawi at sa mga nasugatan .

Maging sa paghahan ng reklamo sana ay masuportahan ang mga ito.

Nakagagalit talaga ang mag-amo na ito.

vuukle comment

ABBY BINAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with