^

Punto Mo

Smartphone sa lahat ng eksena

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

SA kasalukuyang panahon, hindi na nawawala sa eksena ang mga smartphone at tablet sa mga reunion ng mga magkakamag-anak, pamilya, magkakaibigan, magkakakilala o dating mga magkaeskuwela. Ganito rin sa mga pagdiriwang ng birthday, binyagan, anniversary,  outing, picnic, graduation, kasalan, piyesta, Pasko, Bagong Taon, at mga okasyon ng mga tagumpay. Bawat bahagi ng kanilang mga kasayahan ay mabilis na nalilitratuhan at nairerekord sa smartphone hanggang sa computer o ipad o tablet.  Tulad nitong nagdaang pagdiriwang ng kapaskuhan at pagsalubong sa Bagong Taon. Muling namutiktik sa mga litrato ng iba’t ibang reunion ang mga social media site.

Dahil sa makabagong teknolohiyang ito, hindi na kailangang maging professional photographer para makakuha ng magandang litrato. Habang tumatagal kasi, lalong umuunlad ang mga teknolohiya ng camera sa mga makabagong smartphone. Madali pa siyang itago at ipreserba sa naturang mga gadget na maaaring mabuksan anumang oras. Huwag lang makakatuwaang “hiramin” ng mga snatcher, mandurukot at holdaper.

Gayunman, iba pa rin ang epekto ng litratong nasa papel o iyong tinatawag na hard copy nito. Matrabaho nga lang ang pag-iipon nito at paglalagay sa photo album at magastos pa sa pagpapa-print lalo na kung napakarami ng mga litrato pero meron pa rin siyang tila mahikang nagpapagalaw sa puso ng isang tao kapag personal niyang nahahaplos, nahahawakan at natitignan ang isang larawan ng mga tao o lugar o kaganapan na merong bahagi sa kanyang buhay. Isang kakilala ang nagawa pang magpa-print ng daan-daang mga litrato ng kanyang kasal bukod pa sa mga nakatago sa kanyang smartphone at laptop. 

Minsan nga, sa lugar namin, nakakadama rin ako ng lungkot tuwing mapapadaan ako sa isang dating photo studio na noong araw ay malakas kumita sa dami ng mga nagpapakuha dito ng litrato. Pero humina ang negosyo nito hanggang magsara dahil na rin sa pagsulpot ng mga laptop, smartphone at tablet na merong kasamang mga camera. Noong araw na hindi pa uso ang mga gadget na ito, parang kabuteng nagsulputan sa mga shopping center, palengke, bangketa at  kung saan-saan pangg lugar ang mga maliliit na photo studio na nag-aalok ng litrato para sa mga ID. Ngayon ay naglaho silang parang bula.  Meron pa rin namang natitirang ilang mga photo studio pero digital camera na ang gamit kaya kadalasang hindi ka na mabibigyan ng negative copy ng litrato na maaaring i-print kapag kailangan muli. Bihira na ring makakita ng mga photographer na bumubuntot sa mga taong namamasyal sa Luneta dahil halos karamihan ng mga tao ay may sarili nang mga smartphone at tablet na may camera na nagagamit nila sa picture taking.

Hindi pa naman siguro tuluyang mawawala ang mga photo studio na iyan at maging ang mga photo paper na pinaglilimbagan ng mga larawan dahil kailangan pa rin ang mga nakapapel na litrato sa mga ID  at sa iba’t-ibang transaksiyon sa mga opisina sa gobyerno at pribadong sektor.  Maliban na lang kung lahat ng transaksiyong ito ay magiging ganap nang digital.  Gayunman, meron pa rin namang mga hobbyist o commercial at professional  photographer na nakakapagpatuloy sa kanilang propesyon.

Email: [email protected]

vuukle comment

SMARTPHONE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with