^

Punto Mo

EDITORYAL - Babala sa magkakalatng fake news sa Covid-19

Pang-masa
EDITORYAL - Babala sa magkakalatng fake news sa Covid-19

MAY bago nang tawag sa nCoV: Covid-19. Ayon sa World Health Organization (WHO), pinalitan ito ng pangalan para maiwasan ang disinformation, pagtatalu-talo at di-pagkakasundo. Sa kasalukuyan, umabot na sa 1,370 ang namamatay sa Covid-19 at may 60,383 ang apektado ng virus. Nalampasan ng Covid-19 ang SARS na nanalasa sa China rin noong 2002-2003 na ang namatay ay 774. Ganundin ang MERSCOV na nanalasa sa Middle East noong 2012-2019 na ikinamatay ng 861 katao.

Pero kahit pinalitan na ng pangalan, marami pa rin ang nagkakalat ng maling inpormasyon o fake news ukol sa Covid-19. Napakaraming lumalabas na balita ukol sa sakit na hindi na malaman ng publiko kung ano ang totoo at hindi. Karaniwang naghahatid ng pangamba ang mga natutunghayang balita sa social media, particular na sa Facebook.

Merong nagsasabi na ang mga taong iniimbestigahan na may sintomas ng Covid-19 ay negatibo naman sa isinagawang test. Pero kinabukasan, may mababalitang may namatay na umano sa mga ito. Mayroong mga naka-post na balita sa Facebook na isang barko raw na may mga pasaherong Chinese ang padaong sa isang island sa Southern Tagalog. Kailangan daw maghanda ang mga residente sa nasabing coastal town. Maaari raw manghawa ang mga nakasakay sa barko.

Ang ganitong balita ay nagdudulot ng pangamba sa mamamayan at hindi dapat ginagawa. Ginagamit ang social media sa hindi magandang gawain. Hindi dapat magpakalat ng ganitong pekeng balita na ang layunin ay manakot sa publiko.

Kamakailan, nagbanta ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga nagpakalat ng fake news na aarestuhin sila. Ito ay kasunod ng infographics ukol sa mandatory quarantine ng mga Pilipinong manggagaling sa 20 bansa na may apektado ng virus. May memorandum daw ang DILG ukol sa mandatory quarantine ng mga darating na Pinoy. Wala umano itong katotohanan. Pinatutugis na ng DILG sa PNP ang nagpakalat ng fake news. 

Nararapat parusahan ang mga nagpapakalat ng fake news ukol sa Covid-19. Hindi sila nakakatulong kundi nagbibigay ng takot. Kailangang mabigyan ng leksiyon ang mga gumagawa ng maling balita lalo na sa panahong ito. Hindi dapat lituhin ang publiko sa mga iniimbentong pekeng balita.

vuukle comment

COVID-19

WHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with