^

Punto Mo

Kolorum na motorcycle taxis,tatargetin ng MMDA

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

May babala ang MMDA sa motorcycle taxi company na siguraduhin na kabilang ang kanilang mga pumapasadang riders sa masterlist na kanilang isinumite sa Depart­ment of Transportation’s Technical Working Group (DOTr-TWG).

 Ito ay matapos na matuklasang patuloy na namamayagpag sa pagbiyahe sa mga lansangan ang mga kolorum na motorcycle taxi riders. 

Dahil dito, iisa-isahin na ng ahensya ang mga riders at paghuhulihin ang mga kolorum.

Mahigpit na bubusisiin kung kasama ba sila o hindi sa listahan ng mga pinahintulutang bumiyahe sa ikalawang bugso ng pilot run ng motorcycle taxi na magtatapos nga sa darating na Marso.

Ito’y habang hinihintay pa nga na madesisyunan kung gagawing legal ang mga motorsiklo na gawing public transport na pinagdedebatehan ng mga mambabatas.                    
Magugunitang pinagbigyan na muna na makabiyahe ang mga motorcycle taxi riders ng Angkas, JoyRide at Move It na pawang binigyan ng tig-15,000 riders para makapamasada sa Metro Manila.

Dapat umanong masiguro ng tatlong kompanya na nakakasunod sila sa tamang bilang ng riders base sa napagkasunduan.

Pinag-aralan din ng MMDA kung kailangang ipagbawal sa mga pangunahing lansangan o sa national road ang mga motorcycle taxi para na rin sa kapakanan at kaligtasan ng kanilang mga pasahero.

Kapag natuloy, posibleng hindi na umano padaanin ang mga motorcycle taxi sa C-1 hanggang C-6, R-1 hanggang R-10, at EDSA.

Malinaw , hindi ang mga pribadong motorsiklo ang tinutukoy dito kundi ang motorcycle taxi dahil may lulan silang nagbabayad na pasahero.

Bagamat malaking pakinabang ang mga motorcycle taxi na ito lalu na sa kalagayan ng trapik sa bansa, pero hindi rin naman dapat na mabalewala ang kaligtasan ng mga pasahero.

Prayoridad pa rin marahil ang kapakanan ng mga ito kaya kailangang masunod kung ano ang inilatag na mga measures o mga patakaran na magiging gabay sa kanilang pagbiyahe.

vuukle comment

MOTORCYCLE TAXI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with