^

Punto Mo

Nag-resign na empleyado, may karapatan sa bahagi ng kanyang 13th month pay

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Nag-resign po ako noong nakaraang Oktubre matapos lamang ang halos sampung buwan sa kompanyang pinapasukan ko. Ngayong nakuha ko na po ang final pay ay napansin ko na wala pong kasamang 13th month pay sa natanggap ko. Nagtanong po ako sa HR department ng kompanya at sinabi po nila na hindi ako makakatanggap ng 13th month pay dahil hindi naman ako naka-isang taon sa kompanya. Tama po ba ito?

Ryan

Dear Ryan,

Mali ang sabi sa iyo ng HR department ng kompanyang pinagtrabahuhan mo. Ayon sa mga patakarang nagpapatupad ng 13th month pay law (Rules Implementing the 13th Month Pay Law), ang 13th month pay ay katumbas ng 1/12 ng kabuuang suweldo na natanggap sa isang calendar year.

Walang nakalagay sa batas na kailangang isang buong taon ang ginawang pagseserbisyo upang makatanggap ng 13th month pay kaya ibig sabihin ay may karapatan kang makatanggap ng 13th month pay kahit pa walang isang taon ang itinagal mo sa trabaho.

Upang malaman kung magkano ang magiging 13th month pay mo kailangan lang i-compute kung magkano ang lahat-lahat ng sahod na iyong natanggap mula Enero hanggang sa buwang nag-resign ka. Matapos mong makuha ang kabuuang halaga, kailangan itong i-divide sa 12 upang makuha kung magkano ang 13th month pay na maari mong matanggap base sa itinagal mo sa trabaho.

Paalala lamang sa ating mga mambabasa na ang nakasaad na legal advice dito ay batay lamang sa inilahad ng sumulat at maaring hindi ito maging angkop sa ibang sitwasyon. Mas mainam pa rin na kayo ay personal na kumunsulta sa isang abogado para sa inyong mga problemang legal.

vuukle comment

RESIGN NA EMPLEYADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with