^

Punto Mo

EDITORYAL - Marami pa ring pulis na sangkot sa illegal drugs

Pang-masa
EDITORYAL - Marami pa ring pulis na sangkot sa illegal drugs

MALAKI pa ang problema sa illegal drugs at lalo pang lumulubha ang problema sapagkat marami pang pulis ang sangkot dito. Kahit na araw-araw ay may nahuhuling drug pushers, hindi pa rin maubos ang droga at patuloy pang dumarami. Totoo ang drug recycling at walang ibang gumagawa nito kundi ang mga pulis mismo.

Isang katibayan ay ang mga tinatawag na “ninja cops” na ang mga nakukumpiskang droga  ay ibinabalik sa kalye at pinagkakakitaan. Kapag mayroon silang nakukumpiska, hindi lahat ay kanilang sinusurender kundi pinagkakakitaan.

Ganyan ang ginawa ng mga “bata” ni dating PNP chief Oscar Albayalde noong siya pa ang Pampanga police director. Ang kontrobersiyang iyon ang naging dahilan para maagang magretiro si Albayalde. Pawang nasibak naman ang mga “ninja cops” at ngayon ay may mga kaso pang kinakaharap.

Kahit na tinaasan ni President Duterte ng suweldo ang mga pulis, patuloy pa rin sa kanilang masamang gawain ang mga ito. Suma-sideline sa illegal na droga. Hindi sila natatakot sa banta ng Presidente.

Sabi ni PNP chief General Archie Gamboa, lilinisin niya ang hanay ng pulisya sa mga sangkot sa droga. Tinotoo niya ang banta sapagkat 1 general at 356 na pulis ang iniimbestigahan sa droga. Ang mga ito ay nasa watchlist ni President Duterte. Desidido si Gamboa na linisin sa droga ang PNP.

Sana magkatotoo na ito. Sana maging malinis sa droga at maibalik ang pagtitiwala ng mamamayan.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with