^

Punto Mo

N95: Epektibo nga bang face mask laban sa nCoV?

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

ANO itong N95? Sa mga klase ng face mask, ito ang mas popular at mas hinahanap ngayon, na sa sobrang dami ng nangangailangan, nagkaroon na ng kakulangan sa suplay nito sa panahong ito na halos lahat ay nag-iingat at umiiwas laban sa coronavirus.

Pero epektibo nga ba ang N95 respirator mask?

Ayon sa Centers of Disease Control and Prevention ng United States, kung ang isang face mask ay merong disenyo ng N95, masasala nito ang 95% ng mga maliliit na particle na kumakalat sa hangin.  Pero lubha umanong malaki ang virus ng coronavirus family. Sa teorya,  kahit meron nang N95 mask, maaari pa ring makalusot dito ang ilang virus particle. Hindi rin umano epektibo ang mask na ito sa mga bata  o sa mga tao na mabuhok ang mukha at  mas mahihirapang makahinga rito ang mga may problema sa baga.

Sinasabi pa ng ilang mga eksperto na walang mask na 100 porsiyentong makakapigil sa sakit. Sa isang pananaliksik sa Australia, lumilitaw na hindi lang hindi epektibo ang pagsusuot ng cloth mask kundi nagkakaroon din ng peligro sa respiratory infection.

Pero sinasabi naman ng isang infectious disease specialist na si Dr. William Schaffner ng Vanderbilt University sa Teneessee (USA) sa panayam ng Live Science na ang N95 ay makakapangalaga laban sa bagong coronavirus dahil mas makapal ito kaysa sa surgical mask pero hindi niya ito inirerekomendang gamitin ng publiko sa ngayon dahil mahirap ditong huminga sa mahabang oras. Ang mga espesyalista aniya ay kailangan pang dumaan sa pagsasanay para sa tamang paggamit nito.

Pero sinasabi naman ng mga eksperto na napakaliit sa ngayon ang tsansang kailangan ng face mask kung hindi ka isang doktor na tumitingin sa isang pasyenteng may coronavirus. Dahil hindi sapat ang face mask laban sa virus, ayon na rin sa Department of Health, laging hugasan ang  kamay ng tubig at sabon o gumamit ng hand sanitizer o alcohol, iwasang hawakan ang mukha o kuskusin ang mga mata, lutuing mabuti ang mga pagkain, kumain ng masusustansiya, matulog nang sapat at umiwas sa mga hinihinalang may virus,  at takpan ang ilong at bibig kapag uubo at babahin.

Nagpalabas naman ng gabay ang DOH na inirerekomenda ang paggamit ng face mask sa mga tao na may sintomas ng ubo at trangkaso, sa mga manggagawang pangkalusugang nag-aalaga sa mga pasyenteng iniimbestigahan sa pagkakaroon ng coronavirus at yaong meron nang sakit.

Email: [email protected]

vuukle comment

NCOV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with