^

Punto Mo

Handa ba tayo sa epidemyang pangkalusugan?

USAP TAYO - Pastor Joey Umali - Pang-masa

GAANO tayo kahanda na harapin ang isang epidemyang pangkalusugan? Gaano kalakas ang health system ng Pilipinas para protektahan ang mga mamamayan nito laban sa mapamuksang sakit na tulad ng coronavirus? Ito ang malaking tanong ngayon matapos na sa Pilipinas naitala ang kauna-unahang kaso ng pagkamatay mula sa naturang virus sa labas ng China. Ang namatay ay isang Chinese mula sa Wuhan, China, na namasyal sa Pilipinas, kasama ng isa pa na naospital din. Ang tanong, wala kaya silang nahawahan? 

Maraming natakot at nagalit nang pumutok ang balita.  Ang mga natakot ay nagkumahog sa pagbili ng face masks, bagamat ayon sa health authorities ay hindi ito nakapagbibigay ng ganap na proteksyon. Ang mga nagalit ay pinuntirya si Presidente Duterte dahil sa diumano’y kabagalan nito sa pag-aksyon na ipagbawal ang pagpapapasok dito ng mga Chinese mula sa China, Hong Kong at Macau, na una nang ginawa ng ibang mga bansa.

Ayon sa World Health Organization (WHO), delikado sa coronavirus ang mga bansang may mahinang health system.  Nagdeklara naman kaagad si Health Secretary Francisco Duque na hindi rito kasama ang Pilipinas at marahil ang tinutukoy ng WHO ay ang mahihirap na bansa sa Africa.

Naalala ko noong taong 2000 na ilang daan lamang ang kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) sa Pilipinas, ipinagkibit-balikat lamang ng karamihan ang sinasabi namin na siguradong lolobo ang kaso ng HIV dito sa atin. Ano na ang nangyari? Kamakailan lamang, inilabas ng United Nations Program on HIV and AIDS ang ulat nito na ang Pilipinas na ngayon ang nangunguna sa buong mundo sa dumaraming kaso ng HIV. Umaabot na sa mahigit 77,000 ang bilang ng mga taong namumuhay ng may HIV dito sa Pilipinas.

 

Noong Setyembre 2019, idineklara ang muling pagkakaroon ng kaso ng polio sa Pilipinas, isang uri ng virus na naglalagay sa milyun-milyong batang Pilipino sa panganib ng pagkalumpo. Wala nang polio sa mauunlad na bansa, ngunit ito’y malala pa rin sa Afghanistan, Nigeria at Pakistan. Malayo bang matulad tayo sa tatlong bansang ito? Malaki pa rin nating problema ang dumaraming kaso ng dengue at tigdas.  Tayo ang ikatlong may pinakamaraming kaso ng tigdas sa buong mundo.

Ang mga nagaganap sa larangan ng kalusugan ay isang panggising sa ating lahat, lalo na sa gobyerno. Sa 2020 pambansang budget, tinapyasan pa ng P10 bilyon ang para sa kalusugan.  Ang pinakamataas na alokasyon ay sa Department of Education, Department of Public Works and Highways at Department of the Interior and Local Government. Kung tutusin, kung bagsak ang ating pambansang kalusugan ay ano ang kuwenta ng edukasyon at infrastructure? May kasabihan nga na, “Health is wealth.”

Pero may papel ang bawat isa sa pagpapanatili ng ating kalusugan. Ang pinakasimpleng sinasabi ng DOH, laging maghugas ng kamay. Panatilihin ang kalinisan.  Ang problema lang nito, sa Metro Manila ay kapos sa tubig, kaya tila “luxury” ang laging paghuhugas ng kamay.

Gayunman, bukod sa pisikal na kalinisan, kailangan din ang kalinisan ng puso at isip para sa pangkalahatang kalusugan. May magandang sinasabi rito ang Kawikaan 17:22, “Isang mabuting gamot ang masayang puso, ngunit ang bagbag na diwa, sa mga buto’y tumutuyo.”          

 

vuukle comment

PANGKALUSUGAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with