^

Punto Mo

Nagpapakalat ng ‘fake news’ lagot sa PNP, NBI

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Ayan na, pinaigting na ng PNP at maging ng NBI ang paghanap at pagtukoy sa mga nagpapakalat ng pekeng balita na may kaugnayan sa novel coronavirus.

Talaga naman kasing mga pasaway ang mga ito, hindi lang sa Pilipinas kontodo ang aksyon ng gobyerno para ito malabanan, kundi maging sa ibang bansa dahil nga global na ang problema sa nCoV.

Mahigit na sa 500 ang naitatalang nasawi.

Sa kabila ng seryosong sitwasyong ito, may mga walang pakiaalam na pasaway at kung anu-ano ang ipinagkakalat partikular sa social media.

Handang arestuhin ng pulisya ang sinumang magpapakalat ng ‘fake news’ o hindi lehitimong impormasyon lalo na nga’t magdudulot ito ng matinding takot at pagpapanik sa ating mga kababayan.

Maaari silang kasahan ng ilalim ng PD 90 o Declaring Unlawful Rumor-Mongering at Spreading False Information at Republic Act 10175 o Anti-Cybercrime Law.

Kamakailan isang vlogger ang inaresto, nang magkunwaring may nCoV ay biglang tumumba sa harap ng isang mall.

Biruin mong nagpulasan ang mga kasabayan nito at nahingtakutan na baka sila mahawa.

Talagang pasaway.

Isa pa, bakit naman kung kailan nagkukumahog at kailangang matutukan ang problema sa nCoV eh ngayon pa sumasabay ang mga pag-iimbestiga rito.

Imbes na ang isipin muna eh kung paano mapgilan ang pagkalat nito at maprotektahan ang ating mga kababayan, eh talaga namang ngayon ang mga imbestigasyon na gumugugol ng oras sa mga ahensyang kumikilos laban sa virus.

Talagang ngayon pa ha, hindi ba pwedeng ipagpaliban muna at inahain muna ay kung paano mapoprotektahan ang ating mga kababayan.

Ngayon nag-iingay nang husto ang ilan .

Sana naman eh makatulong at huwag nang makagulo o magpabigat pa sa sitwasyon.

Tulong na muna, saka umepal!

vuukle comment

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with