^

Punto Mo

‘Panic mode’ sa nCoV

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Naitala na kahapon ang kauna-unahang nCoV death sa Pinas.

Hindi maitatago na mistulang nasa ‘panic mode’ ngayon ang marami nating kababayan noon pa man matapos kumpirmahin ng DOH na nakapasok na nga sa Pinas ang 2019 novel coronavirus (nCoV).

Wala pa ngang isang oras matapos ang press conference ng  DOH na doon inihayag ang kumpirmasyon na positibo sa nCoV ang isang 38-anyos na Chinese na dumating sa bansa, ayun at suguran na ang ating mga kababayan sa pagbili ng face masks.

Nang hapon ding yon, nagkaubusan na agad ng face masks, panic-buying  naman ang  nangyari.

Sinamantala naman ng ilang negosyante na nagtaas ng presyo kasi nga in demand.

Yung iba naman namakyaw talaga, ayaw magtira para sa iba.

Eh malamang-lamang dahil nga may naitala nang namatay dahil sa naturang sakit eh ito na naman ang mangyari.

Sumasabay pa rito ang iba-ibang nakakarating na impormasyon sa ating mga kababayan.

May ilan pang politiko, sumawsaw pa nang husto.

Dapat palagi siyang may masabi, kung anu-ano ang rekomendasyon, para lang pumapel.

Ang ganitong mga ‘pagdadakdak’ eh mukhang hindi nakakabuti kundi lalo pang nagdudulot nakapagpapalito at nagdudulot ng mas matinding takot sa ating mga kababayan.

Marahil ay dapat na ngang maglagay ng isang spokesperson na siya lamang ang magsasalita sa kung anong dapat na gawin o lahat ng may kaugnayan sa lumalaganap na sakit.

O kung hindi naman hayaan na sana ang ahensyang sangkot pattikular ang DOH ang siya na lamang magsalita.

Sa ganitong paraan ay maiiwasan ang anumang nakakagulong pahayag o mga ‘ fake news’ ika nga.

vuukle comment

NCOV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with