^

Punto Mo

92-anyos na lola sa India, kumakain ng 1 kilong buhangin araw-araw!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

KAKAIBA ang kinakain ng isang lola sa India araw-araw – 1 kilong buhangin!

At sa kabila na buhangin ang kanyang kinakain, nasa mabuti siyang kalusugan.

Ayon kay Sudama Nevi, 10-taong gulang pa lamang siya nang makatuwaan niya at kanyang mga kaibigan na kumain ng buhangin.

Ngunit hindi ito naging simpleng katuwaan lang dahil naging addict na si Sudama sa buhangin. Mula noon, araw-araw na siyang kumakain ng buhangin.

Nakaka-apat na plato ng buhangin si Sudama araw-araw at ayon sa kanyang mga anak, parang asukal kung kainin niya ito.

Nasa mabuting kalagayan ang kalusugan ni Sudama sa kabila ng pagkain niya ng buhangin. Ayon sa mga anak, hindi ito nagkakasakit kahit kailan.

Manghang-mangha naman ang mga doktor sa India dahil hindi nagkakaroon ng malubhang sakit si Sudama sa kabila ng kanyang kakaibang kinakain.

Hindi maipaliwanag kung bakit nasa maayos pa rin siyang kalusugan kahit araw-araw siyang kumakain ng isang bagay na hindi naman talaga dapat kainin ng isang tao.

 

vuukle comment

INDIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with