^

Punto Mo

Paano maging centenarian?

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

KAHIT marami na ang mga centenarian sa buong mundo, wala pang lumalabas na malinaw o depinidong paliwanag kung paano nila narating ang kanilang edad. Maaaring sa lahi, istilo ng pamumuhay, klase ng kinakain, at iba pang maaaring dahilan ng mahaba nilang buhay.  May mga tao na tanggap na sa sarili kung hindi nila abutin ang edad na 100 taong gulang pero marami rin naman ang mga naghahangad na makarating sa ganitong edad.

Isang life coach at speaker na si Lukas Schwekendiek ang nagmungkahi ng ilang mahusay na mga paraan para madagdagan ang tsansa ng isang tao na umabot sa edad na 100 taong gulang.

Isa sa mungkahi niya ang pag-inom nang maraming tubig. Kung wala kang ginagawang sports, dapat uminom ng kahit dalawang litrong tubig at mahigit pa sa bawat oras na pisikal na aktibidad.  Pangalawa ang pagkain ng mas maraming gulay at prutas na may ilang karne kada linggo at maraming seafood na magbubunga sa mas magaan at malusog na istilo ng pamumuhay.

Pangatlo ang pag-eehersisyo tulad ng paglanghap ng sariwang hangin at jogging o swimming. Magpapawis kada linggo. Gayunman, may mga ekspertong pangkalusugan na nagsasabing mas mainam ang mabilis na paglalakad para sa kalusugan.

Ikaapat ang pag-iwas sa droga at alak na kapwa nakakasama sa katawan ng tao.

Madali nang maunawaan ang panglimang mungkahi, ang pagpraktis ng safe sex.

Ikaanim ang  pakikinig sa sariling katawan. Pagkain man ito, tubig, pagtulog o sakit, pakiramdaman ang iyong katawan at kumilos nang naaayon dito. Ang katawan mo ay iba sa ibang tao.  Ibig sabihin, kailangan mong tuklasin ang sarili mong perfect balance.

Pampito ang pag-eehersisyo sa isip. Humihina ang isip habang tumatanda.  Tiyaking araw-araw itong naeehersisyo at gawing minimum ang panghihina nito.

Matulog hanggang kailangan mo. Bawat tao ay may kanya-kanyang sistema ng pagtulog. Hanapin ang para sa sarili mo at mantinihin ito.

Iwasan ang nakaka-stress na trabaho. Ang stress ay isang malaking salik sa halos bawat psychological at physical health detriment.  Iwasan ito hangga’t maaari

Huwag magmadali. Kapag nagmamadali ka, magkakamali ka.  Sa mga pagmamadaling ito, baka merong mawala o mawala ang lahat. Magmaneho nang marahan kahit late ka na sa pupuntahan mo. Tumingin sa magkabilang direksyon ng kalsada bago tumawid at mag-helmet kapag nagmomotorsiklo.

Panghuli, maging masaya. May kuneksyon ang mga kaligayahan at kasiyahan sa mas mahaba at napupunuang buhay. Kung gusto mong humaba ang iyong buhay, tungkulin mong maging masaya.

vuukle comment

CENTENARIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with