^

Punto Mo

EDITORYAL – Jeepney modernization atras-abante na lang ba?

Pang-masa
EDITORYAL � Jeepney modernization atras-abante na lang ba?

WALA nang naririnig sa Department of Transportation (DOTr) ukol sa kampanya sa jeepney modernization. Biglang tumahimik ang isyu. At patuloy pa ring nakikita ang mga yumayaot na karag-karag na jeepney. Ano na ang nangyari at wala nang ingay ukol dito?

Kung malamya na ang kampanya sa moder­nisasyon ng jeepney, asahan na lalo pang lulubha ang air pollution sa Metro Manila. Ayon sa report, 80 percent ng air pollution problem ay nagmula sa mga lumang sasakyan lalo na ang jeepneys.

Noong nakaraang taon, sinabi ng DOTr na hanggang Hunyo 30, 2020 na ang palugit sa mga bulok na public utility vehicle (PUV) kabilang ang jeepneys. Pagsapit ng Hulyo 1, hindi na dapat makita ang mga ito bilang pagsunod sa modernization program na inilunsad noong 2017. Mismong si President Duterte pa ang nagsabi na kapag hindi sumunod ang operators sa kampanya, ipahahatak niya ang mga bulok na jeepney.

Ayon sa programa, lahat ng mga lumang jeepney na may edad 15 taon pataas ay papalitan ng mga modernong PUVs na pinatatakbo ng bagong Euro 4-compliant diesel engines o electric motors. Layunin ng programa na makapagbigay ng ligtas na transport system sa commuters at upang malabanan din ang matinding epekto ng air pollution. Karamihan sa mga jeepney ay hindi na dumaraan sa maintenance schedule at pasada lang nang pasada. Banta rin sa buhay ng mga pasahero sapagkat nawawalan ng preno at sumasalpok at may mga namamatay.

Ayon sa Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB), target nila na mapalitan ang may 170,000 units ng mga bulok na jeepney sa buong bansa. Sa kasalukuyan, mayroon nang 4,000 units na mga modernong jeepneys. Sabi ng LTFRB ngayong 2020, makukumpleto nila ang mga target na modern jeepneys.

Nagbabanta naman ang ilang jeepney operator na magsasagawa sila ng tigil pasada para tutulan ang modernization. Hindi raw kakayanin ng operators ang presyo ng mga modernong jeepney.

Urong-sulong nga ba ang kampanya sa jeepney modernization? Dapat isakatuparan na ito. Wala nang kung anu-ano pang pasakalye. Huwag matakot sa banta ng transport groups. Walisin na sa kalsada ang mga bulok na sasakyan.

vuukle comment

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with