^

Punto Mo

Panic-buying na naman sa face masks!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Kinumpirma na kahapon ng Department of Health (DOH) ang unang kaso ng 2019 novel coronavirus (nCoV)sa bansa.

Ito ay isang 38-anyos na babaeng Chinese na sumasailalim sa obserbasyon sa isang ospital sa Metro Manila simula pa noong Enero 25.

Ang confirmation test dito ay ibinigay mula sa Australia.

Dumating sa bansa noong Enero 21 ang pasyente sakay ng Manila via Hong Kong na galing sa Wuhan, China.

Eto na, matapos ang ibinigay ng kumpirmasyon ng nCoV, nagsuguran na ang marami naming kababayan sa mga medical supply at drug stores para bumili ng surgical masks.

Kahapon muling naiulat ang pagkakaubusan nito.

Hindi nga ba’t nang pumutok ang Bulkang Taal, mahigit dalawang linggo ang nakakaraan, ganito na rin ang naging eksena.

Panic-buying ang dating ng ating mga kababayan dahil sa panganib naman na dulot ng abo ng bulkan na umabot pa nga sa Kalakhang Maynila at malalayong lalawigan.

Eto at coronavirus naman ang usapan kaya muling naulit ang dating eksena sa pagbili ng face masks.

Dito na lalong dapat na magbantay ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan, dahil nga sa malaking demand, baka nandyan na naman at nakaabang at mga mapagsamantalang negosyante.

Nauna nang naiulat noon na hindi lang doble meron pa ngang triple ang itinataas sa presyo ng face mask o surgical mask na kinagat ng marami nating kababayan dahil nga sa kailangang-kailangan.

At ngayon kung saan masasabing  nasa emergency situation na naman tayo, baka nandyan na ang mga ‘buwayang’ negosyante.

Sana nga sa ganitong pagkakataon eh ‘wag ng manamantala para sa pansariling kapakinabangan.

Sige kayo, baka bumalik yan sa inyo sa pamamagitan ng tinatawag na ‘karma’.

vuukle comment

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with