^

Punto Mo

2 Chinese chemist, tigok sa ambush!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

NAKAREKOBER ng mga celfon ang pulisya sa dalawang Chinese chemists na namatay sa isang broad daylight ambush matapos ma-release sila sa kulungan noong Martes. Sinabi ni NCRPO chief Maj. Gen. Debold Sinas na ipinasailalim kaagad sa forensic examination ang mga celfon ng mga operatiba ng Anti-Cyber Crime Group (ACG) para malaman kung makakatulong sa paglutas ng kaso kung saan namatay sina Hu Cao, 40; Wa Fan Hoi, 43, at driver na si Noel Olimba, 38. Inamin ni Sinas na blangko pa sila sa kanilang imbestigasyon sa kaso na ikinasugat din ng anak ni Wa na sina Crystal Zhang, 5 at Hazel Zhang, 12.

Kaya iniutos ni Sinas sa Taguig police na hanapin kung ang ambush ay nakuhaan ng video ng CCTV cameras ng mga establisimiento sa ambush site at makatulong ito para makilala ang mga suspect na tumakas sakay ang dalawang motorsiklo patungong C-6. Sinisiguro ni Sinas na pinlano ang ambush dahil alam ng mga suspect ang paglaya nila at ang lugar kung saan sila tinambangan.

Ang ambush ay naganap malapit sa gate ng Department of Science and Technology (DOST) at halos 200 metro lang layo sa NCRPO headquarters sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City. Ayon kay Sinas, alerto naman ang mga pulis dahil pagkarinig ng putok, nagresponde kaagad ang mga bataan n’ya subalit hindi inabutan ang mga suspects. Araguuyyy! Hak hak hak! Ang kaigihan lang dinala kaagad ng mga nagrespondeng pulis ang mga biktima sa ospital subalit minalas ang tatlo at hindi na sila umabot ng buhay. Get’s n’yo mga kosa?

Sinabi naman ni Col. Remus Medina, intelligence chief ng NCRPO, na inaresto sina Hu at Wa ng mga original na “Ninja cops” na naka-assign sa Eastern Police District (EPD) noong 2012. Nakumpiska sa kanila ang mahigit isang kilo ng shabu. Subalit noong maupo si President Digong noong 2016, ibinaba nito ang kanyang mahigpitang kampanya laban sa droga kaya’t hayun nagsilayas ng bansa ang mga original na “Ninja cops.” Ang siste tuloy, hindi na nakapag-attend ng mga court hearing ang mga “Ninja cops” kaya’t humina ang kaso ng dalawang Chinese chemists.

Kaya’t nagdesisyon ang huwes sa Mandaluyong City RTC BRanch 280 na i-release sina Hu at Wa bunga sa “negligence of the arresting officers.” Sinabi ni Medina na wala pa silang kopya ng desisyon ng korte kaya’t hindi nila maarok ng husto ang kaso. Araguuyyy! Hak hak hak! Buwenas na sana itong dalawang Chinese chemists dahil makakalaya na sila subalit inabot pa ng malas sa araw mismo ng paglaya nila. Hehehe! Weder-weder lang ‘yan! Tumpak!

Sinabi ni Col. Medina na kahit sa loob ng kulungan may report na nakakapagbenta pa ng droga ang dalawang chemist sa Metro Manila at kalapit nitong lugar. Kaya’t tinitingnan din nilang anggulo na karibal nila sa negosyo ang nagpatumba sa kanila. Araguuyyy! Hak hak hak! Kung naka-helmet ang mga suspects mahihirapan itong si Col. Medina na malutas ang kaso. Abangan!

vuukle comment

DEBOLD SINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with