^

Punto Mo

EDITORYAL – CR pa more sa Maynila

Pang-masa
EDITORYAL � CR pa more sa Maynila

IPINAHAHANAP na umano ni Manila Mayor Isko Moreno ang lalaking nakunan ng larawan habang “nagbabawas” sa Baluarte de Dilao sa Intramuros noong Linggo. Kuhang-kuha ang pagbabawas ng lalaki na hinihinalang dayuhan sa isang malaking paso ng halaman sa lugar. Ayon sa Manila City Public Information Office (PIO) ipinag-utos na ni Moreno sa Manila Police District Special Mayor’s Reaction Team na hanapin ang lalaki makaraang mag-viral sa social media ang larawan nito habang dumudumi. Ang lugar kung saan dumumi ang lalaki ay isa sa mga historical landmark na ginawa ng mga Kastila noong 1592. Ayon pa sa PIO ng Maynila, napakalinis ng Baluarte de Dilao kaya nakapagtataka kung bakit doon dumumi ang lalaki.

Nararapat lamang na mahuli at makilala ang lala­king dumumi para mabigyan ng karapatang parusa sa ginawa. Kung hindi mapaparusahan, maaaring ulitin ito ng iba. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagdumi sa mga pampublikong lugar gaya ng Baluarte de Dilao na isa sa mga dinarayo ng mga turista sa Intramuros.

Ilang buwan na ang nakararaan, nagalit din si Isko sapagkat ginawa ring kubeta ang monumento ni Andres Bonifacio sa may Manila City Hall. Muntik pang matapakan ni Isko ang dumi. Sa galit niya, ipinag-utos ang paghuli sa mga nakatira o natutulog sa shrine. Ang mga ito ang dumudumi sa bantayog ng bayani. Tumulong din si Isko sa pagbomba ng tubig para ganap na maalis ang dumi sa bantayog. Ngayon ay malinis at maliwanag na ang lugar.

Isa sa mga dapat pagtuunan ng pansin ni Isko ay ang pagpapagawa ng mga comfort room sa mga lugar na dinarayo ng mga turista particular sa Intramuros. Hindi masasabi kung kailan darating ang tawag ng kalikasan at malaking problema kung saan idaraos ang pagbabawas saka dumating ito. Kailangan ang malinis na CRs sa mga lugar na kagaya ng Intramuros. Siguro, dapat din itong pagtuunan ng pansin ng Department of Tourism.

vuukle comment

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with