^

Punto Mo

EDITORYAL - Pagbakuna sa mga bata, ipagpatuloy

Pang-masa
EDITORYAL - Pagbakuna sa mga bata, ipagpatuloy

MARAMING sakit ang lumulutang ngayon at isa ang coronavirus na naghahatid ng pangamba hindi lamang sa Pilipinas kundi sa iba pang bansa. Nagmula ang sakit sa isang probinsiya sa China at may mga namatay na. Negatibo naman sa sakit ang isang batang Chinese na dumating sa bansa kasama ang kanyang ina kaya wala pang nakakapasok na coronavirus sa Pilipinas.

Pero bago matakot sa coronavirus, itong bagong kaso ng polio sa bansa ang dapat bigyang-pansin sapagkat nambibiktima na. Ayon sa Department of Health (DOH), isang bata sa Quezon City ang nagpositibo sa polio. Ito ang unang pagkakataon na may biktima ng polio sa Metro Manila. Dahil sa bagong kaso, umabot na sa 16 ang mga batang tinamaan ng polio sa buong bansa. Nakadidismaya ito sapagkat dineklara nang wala polio sa bansa sa nakalipas na 20 taon. Ganap itong nawala noong 1998.

Ayon sa DOH nakita ang presensiya ng polio virus sa mga tinesting na tubig sa mga estero sa Maynila noong nakaraang taon. Dahil dito naglunsad nang malawakang polio vaccination sa bansa noong Oktubre 2019 hanggang ngayong Enero 2020.

Bukod sa polio, nanalasa rin ang tigdas noong nakaraang taon sa Metro Manila, Calabarzon, Central Luzon at Western Visayas. Mahigit 60 ang namatay na kinabibilangan ng mga bata na may edad tatlong buwan hanggang apat na taong gulang. Madaling makahawa ang tigdas sapagkat sumasama ito sa hangin. Kapag nalanghap, doon na magsisimula ang pagkalat ng virus. Nagkakaroon ng kumplikasyon kaya may namamatay.

Isa sa itinuturong dahilan kaya maraming bata ang hindi nababakunahan ay dahil sa takot ng mga magulang na may mangyari sa kanilang mga anak. Nagkaroon sila ng phobia sa Dengvaxia sapagkat nang bakunahan ang mga batang mag-aaral noong 2017 laban sa dengue, marami umano sa mga ito ang namatay.

Pinipilit ng DOH na baguhin ang pananaw ng mga magulang ukol sa bakuna. Ligtas ang bakuna laban sa polio at tigdas kaya nararapat na dalhin ng mga magulang ang kanilang anak sa health center para mabakunahan. Kailangan ito para mailigtas ang mga bata. Walang ibang gamot sa polio at tigdas kundi ang bakuna.

Gawin nang mandatory ang pagbabakuna para masigurong ligtas ang mga bata. Dapat lumikha ng batas na ang mga sanggol ay kailangang mabakunahan agad bago mailabas ng ospital na pinagsilangan.

vuukle comment

BATA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with