^

Punto Mo

EDITORYAL - Kulang pa ang ‘pangil’ laban sa korapsiyon

Pang-masa
EDITORYAL - Kulang pa ang �pangil� laban sa korapsiyon

GALIT si President Duterte sa mga korap sa gobyerno. Sabi niya, kapag nakaamoy lang siya ng “singaw” sa isang tanggapan ng gobyerno, sisibakin agad niya ang namumuno rito. Wala na raw tanung-tanong pa. Kaya nga ang babala niya sa mga pinuno ng tanggapan na nauugnay sa korapsiyon, magbitiw na kaysa ipahiya pa niya.

Noong 2017, pinakamaraming sinibak sa puwesto ang Presidente. Pawang mga miyembro ng Gabinete ang sinibak niya. Inalis niya ang DILG secretary, NIA undersecretary, SSS official, Customs commissioner, at nagbitiw naman ang Tourism secretary dahil sa isyu ng corruption, pati na rin ang Justice secretary ay bigla ring nawala sa puwesto.

Noong 2018, marami pa ring sinibak na opisyal ng pamahalaan at umabot pa ang delubyo hanggang 2019 kung saan, harap-harapang sinasabi ng Presidente na korap ang isang opisyal at dapat nang magbitiw bago pa niya hiyain sa karamihan.

Pero kahit marami na siyang sinibak, ang korapsiyon ay hindi pa rin mawala at nananatiling nasa mga tanggapan ng pamahalaan. Kahit pa nagbanta nang nagbanta, marami pa rin ang gumagawa at walang takot. Dahil kaya, kulang pa ang pangil ng Presidente. O dahil kahit sinibak na niya e ibinabalik naman niya sa puwesto.

Sa report ng Corruption Perception Index (CPI) ng Berlin-based Transparency International, nasa 113th ang rank ng Pilipinas kung ang pagbabasehan ay ang pagsugpo sa korapsiyon sa pamahalaan. Nasa 180 bansa ang covered ng nasabing Corruption Index report. Ibig sabihin masyadong malayo pa ang bansa sa pagpuksa sa katiwalian. Wala pang gaanong tapang ang mga namumuno.

Korapsiyon ang dahilan kaya marami ang naghihirap sa kasalukuyan. Dahil kinukurakot ang pera sa kaban, nauubos ang pondo na dapat ay gagamitin para sa serbisyo sa mamamayan.

Dapat maging mabangis pa ang Presidente sa pagsibak sa mga kurakot. Talasan pa ang pang-amoy para maubos ang mga kurakot. Kapag nagtagumpay siya sa paglupig sa korapsiyon, kasunod na ring mawawala ang kahirapan na nakasakmal sa mamamayan.

vuukle comment

KORAPSYON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with