^

Punto Mo

Sugar Mommy (271)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAPAWI ang pag-aalala ni Jericho sa sinabi ni Jane na hindi ito nagagalit sa paglilihim at pagkukutsabahan nila ni Sammy.

“Nagawa ko lang naman kasi na kutsabahin si Sammy para maging madali ang pagsubaybay ko sa’yo. Mahihirapan kasi ako sa pagtungo rito kung hindi niya ako tutulu-ngan.’’

“Ang galing mong gumawa ng paraan, Jericho.’’

“Lahat ay maiisip ko dahil sa pagmamahal sa’yo, Jane.’’

“Kaya naman mahal na mahal din kita Jericho.’’

“E di pumapayag ka nang magtungo ako sa Riyadh sa maikling panahon para makapagpaalam nang maa-yos sa aking boss?’’

“Oo.’’

“Salamat Jane.’’

“Nauunawaan kita, Jericho.’’

“Salamat. Matutuwa si Sammy kapag nalaman na naipag-tapat ko na ang lahat sa’yo.’’

“Sana maging masuwerte rin si Sammy sa Saudi ano?’’
“Tiyak ‘yun dahil mahusay naman at mapagkakatiwalaan si Sammy.’’

“Oo nga. Mapagkakatiwalaan si Sammy.’’

“Kapag bihasa na siya sa trabaho, puwede ko na siyang iwan dun.’’

“Ano bang itsura ng Riyadh, Jericho?’’

“Maganda rin. Malaking bahagi ay disyerto.’’

“Gusto kong makarating dun!’’

“Aba e di pagkakasal natin e isama kita.’’

“Puwede ba ‘yun?’’

“Bago ako mag-resign e di isama kita. Ang sponsor ay si Abdulaziz.’’

“Huwag na lang Jericho. Mas gusto ko ay magbitiw ka at para magkasama na tayo nang lubusan.’’

“Sige, kung yan ang gusto mo.’’

“Asikasuhin mo na ang mga papeles ni Sammy.’’

“Ang alam ko ready na ang mga papers niya. May working visa na rin siya, sabi ni Abdulaziz. Baka next week puwede na kaming umalis.’’
Nalungkot si Jane.

“Saglit lang ako roon, huwag kang malungkot.’’

Pinisil ni Jericho ang palad ni Jane.

TUWANG-TUWA si Sammy nang malaman na malapit na silang umalis.

“Maghanda ka na Sammy at lilipad na tayo!’’

“Oo, Jericho.’’

(Itutuloy)

 

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with