^

Punto Mo

Bata sa India, tinaguriang ‘human calendar’ dahil memoryado ang kalendaryo hanggang 2068

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

WALONG taong gulang lamang si Aryan Parab ng Mumbai, India. Katulad ng ibang bata, pumapasok siya sa school at mahilig maglaro ng football kasama ang kanyang mga kaklase. Ang ikinaiba niya sa kapwa bata, kabisado niya ang mga petsa sa kalendaryo hanggang 2068.

Kayang sabihin ni Aryan kung anong araw papatak ang kahit anong petsa hanggang 2068. Dahil sa pambihirang kaalaman, siya ang laging pinagtatanungan ng kanyang mga kaibigan o pamilya. Mas mabilis kasi niya itong nasasagot kaysa tumingin sa kalendaryo o gamitin ang kanilang mga smartphone upang malaman kung anong araw papatak ang isang petsa.

Natuklasan ni Aryan ang kanyang kakayahan nang minsang isipin niya kung anong magiging araw ang kanyang birthday at ang birthday ng kanyang mga kaibigan noong taon na iyon. Noon niya nalaman na may kakaiba siyang kakayahan pagdating sa pagkalkula ng kung anong araw papatak ang kahit anong petsa sa kalendaryo.

Natuklasan din ni Aryan na umuulit ang bawat kalendaryo tuwing 11 taon. Dahil sa kaalamang ito, nagawa niyang kabisaduhin sa kung anong araw papatak ang bawat petsa hanggang 2068.

Nagiging kilala na si Aryan dahil sa kanyang pambihirang galing at dahil dito regular na niyang ipinapamalas sa publiko ang kakayahan bilang ‘human calendar.’

vuukle comment

INDIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with