^

Punto Mo

Pritong daga, paborito sa isang siyudad sa China

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ANG mga mamamayan sa Guangdong City, China ay kilala bilang mga tao na lahat ay kinakain, kahit na ano pa ang hitsura at lasa ng pagkain. Wala silang pinipili. Kain lang sila nang kain. Kabilang sa paborito nila ay ang pritong daga.

Para sa mga taga-Guangdong, ang karne ng daga ay mas masarap pa sa karne ng manok at baboy. At dahil mas masarap, mas mahal ang presyo nito.

Bukod sa prito, maaari ring ihawin at ilaga ang karne ng daga. Isang special delicacy sa China ang cured mouse bacon. Gawa ito sa maninipis na strips ng karne. Mabusisi nga lang ang paggawa ng mouse bacon pero walang katulad sa sarap.

Binabalak nang i-export ang delicacy na ito sa ibang bahagi ng bansa para raw matikman ang mouse bacon.

Sabi ng mga taga-Guangdong, hindi raw dapat mag-worry ang mga gustong kumain ng pritong daga sapagkat ang mga ito ay malinis at mabuti sa kalusugan.

vuukle comment

CHINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with