^

Punto Mo

Hanapin muna kung ano ang problema

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

MAY isang propesor sa University of Pennsylvania na mahilig magbigay ng palaisipan sa kanyang mga estudyante tuwing first day of school. Isinulat niya sa blackboard ang: 4 and 2. Tanong: ano ang sagot?

Iba’t iba ang naging sagot:

“Two.”

“Six.”

“Eight.”

Ang propesor ay mapapailing.

“Class, wala ba kahit isa sa inyo ang nakaisip magtanong ng — ano ang problema sa 4 and 2—bago ninyo sinagot ang tanong?”

Linawin muna kung ano ang problema upang mahanapan ng solusyon. At ang angkop na solusyon ay makakapagbigay ng tamang kasagutan.

May isang doktor sa aming probinsiya na nademanda at natanggalan ng lisensiyang makapanggamot dahil sa kapalpakan niyang ginawa sa isang pasyente.

Ayon sa kuwento, may isang babaeng lumapit sa doktor upang ikonsulta ang problema niya sa paghinga. Ang babae’y laging kinakapos sa paghinga. Niresetahan kaagad ng doktor ang babae ng gamot sa sakit sa puso.

Ilang buwan ang lumipas at namatay ang babae. Nalaman mula sa awtopsiya na wala namang sakit  sa puso ang babae. Maling reseta ng gamot ang ikinamatay ng babae. Hika lang pala ang dahilan ng kanyang problema sa paghinga. Niresetahan kaagad ang pasyente gayong hindi pa alam ang dahilan ng pangangapos ng hininga nito.

vuukle comment

PROBLEMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with