^

Punto Mo

Pinakamataas na pyramid na gawa sa taksan-taksang toilet paper, itinayo ng mga estudyante sa Michigan

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG grupo ng mga estudyante sa isang high school sa Michigan ang nangalap ng pondo sa pamamagitan ng pagbebenta ng higit 27,000 rolls ng toilet paper na ginamit nila sa pagtatayo ng world’s tallest toilet paper pyramid.

Sa tulong ng ilang lokal na sponsor, itinayo ng mga estudyante ng Bullock Creek High School ang pyramid na gawa sa taksan-taksang toilet paper sa atrium ng kanilang paaralan bilang bahagi ng kanilang fundraising efforts ngayong taon.

Nasa 16 talampakan at apat na pulgada raw ang taas ng pyramid, ayon sa senior student na si Maxton Herst. Ang nasabing taas daw ay halos dalawang talampakan ang lamang sa kasalukuyang world record.

Ayon kay Herst, apat na taon na ang nakararaan simula nang maisip niya ang ideya sa pagtatayo ng isang toilet paper pyramid.

Nang magsaliksik daw siya ukol sa rito ay napag-alaman niyang hindi mahirap na mahigitan ang kasalukuyang world record. Inabot nga lang siya ng apat na taon bago siya nakakumbinsi ng isang grupong tutulong sa kanya sa pagtatayo ng pyramid.

Inabot ng 16 oras bago nila nakumpleto ang pyramid. Agad ding binaklas ang pyramid upang maipagbenta ang mga toilet paper na ginamit sa pagtatayo nito.

vuukle comment

BULLOCK CREEK HIGH SCHOOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with