^

Punto Mo

Maaari bang panatilihin ng isang babae ang paggamit ng kanyang maiden name?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Atty.,

Kailangan ko po talagang gamitin ang apelyido ng asawa ko? Kakakasal ko lang po at nakatakda akong mag-renew ng driver’s license ko at ng iba pang government IDs. Pangamba ko lang ay baka magulo pa ang mga records ko sa mga government agencies kung iibahin ko ang­ ­aking pangalan.

Rebecca

Dear Rebecca,

Lingid sa kaalaman ng nakararami, hindi naman nakasaad sa batas na kailangang gamitin ng isang babae ang apelyido ng kanyang asawa matapos silang ikasal. Sa ilalim ng Article 370 ng ating Civil Code ay mayroong tatlong option ang isang babae:

(1) Ang gamitin ang kanyang maiden first name at surname at idugtong na lang sa hulihan ang apelyido ng kanyang asawa;

(2) Ang gamitin ang kanyang maiden first name at idugtong sa hulihan ang apelyido ng kanyang asawa; o

(3) Gamitin ang buong pangalan ng kanyang asawa, ngunit kailangang lagyan niya ito ng “Mrs.” sa unahan.

May pang-apat pang option ang isang babae batay sa sa kaso ng Remo vs Secretary of Foreign Affairs (G.R. 169202, March 5, 2010) kung saan ipinaliwanag ng Korte Suprema na bukod sa tatlong option na ibinibigay ng Civil Code ay maari ring piliin ng isang babae na ipagpatuloy na gamitin ang kanyang maiden name nang walang pagbabago. Civil status lang naman kasi ang tanging nagbabago sa mata ng batas kapag ikinakasal ang isang tao, dagdag pa ng Korte.

Ang maipapayo ko lang ay magpasya ka na kung ano ang pangalang gagamitin mo mula ngayon at panatilihin mo na ang paggamit ng kung anuman ang mapipili mo. Magkakatotoo kasi ang pangamba mong magugulo ang records mo sa mga tanggapan ng gobyerno kung magpapalit-palit ka ng gustong gamiting apelyido. Paalala ko lang din na may mga ahensiya ng pamahalaan na kusang binabago ang pangalan ng isang babae kapag nakita nila sa records nila na ikinasal na ito.

Paalala lamang sa ating mga mambabasa na ang nakasaad na legal advice dito ay batay lamang sa inilahad ng sumulat at maaring hindi ito maging angkop sa ibang sitwasyon. Mas mainam pa rin na kayo ay personal na kumunsulta sa isang abogado para sa inyong mga problemang legal.

vuukle comment

APELYIDO NG ASAWA KO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with