^

Punto Mo

Ang bilyonaryong hindi nakatapos ng high school

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

IPINANGANAK si Li Ka-shing noong 1928 sa Chao’an, Chaozhou sa Guandong Province, China. Umalis sila sa Guandong dahil binobomba na ito ng mga Hapones. Tinakasan ng kanyang pamilya ang kaguluhan sa kanilang lugar at lumipat sa Hong Kong. Nagsimula silang maghirap nang namatay ang kanyang ama dahil sa tuberculosis. Sa edad na 15 ay tumigil siya sa pag-aaral upang magtrabaho sa pabrika ng plastic. Nagtrabaho siya ng 16 oras kada araw. Pinag-aralan niya kung paano gumawa ng iba’t ibang produkto mula sa plastic. Mula sa naipon niyang pera, nagtayo siya ng maliit na pagawaan ng plastic decorative flower sa edad na 22. Pinangalanan niya ang kanyang kompanya ng Cheung Kong. Mura na may mataas na kalidad ang kanilang produkto kaya naging largest supplier sila ng plastic flowers sa buong Asia.

Hindi siya nakuntento sa paggawa ng plastic na bulaklak. Pinag-aralan niya kung paano mag-invest sa real estate. Nagsimula siyang bumili ng mga properties sa buong Hong Kong at iyon ang simula ng paglikha niya ng isang business empire: banking, construction, real estate, plastics, cellular phones, satellite television, cement production, retail outlets (pharmacies and supermarkets), hotels, domestic transportation (sky train), airports, electric power, steel production, ports, and shipping.

Bininyagan siyang Super Li ng Hong Kong dahil lahat ng negosyong hinawakan niya ay nagtatagumpay. Sa hanay ng mga bilyonaryo, pangalawa siya kina Bill at Melinda Gates sa rami ng mga ginawang pagkakawanggawa. Ngayon ay 91 years old na siya at nagretiro na sa pagiging Chairman of the Board. Humalili sa kanya ang anak na panganay. Siya ay may net worth na US$29.4 billion (June 2019).

“Enjoying success requires the ability to adapt. Only by being open to change will you have a true opportunity to get the most from your talent.” Nolan Ryan

 

vuukle comment

HIGH SCHOOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with