^

Punto Mo

Tatlong araw

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

TATLONG pamilya sa isang subdivision ang pinagsisilbihan niya bilang labandera. Kahit uso na ang washing machine, mayroon pa rin na mas gustong magpalaba ng manwal, iba raw ang bango ng damit na nilabhan niya. Magaling kasing labandera ang 65 anyos na si Manang Del. May kanya-kanyang araw ang tatlong pamilya. Twice a week na ipinaglalaba niya ang mga iyon. Sa bahay mismo ng mga amo niya siya naglalaba.

Pilay si Manang dahil nagka-polio siya noong bata pa. Sa kabila ng kapansanan, babaerong asawa at anak na nasa drug rehab, lagi pa rin siyang nakangiti at joker. Marami ang gustong magpalaba sa kanya dahil sa masaya niyang disposisyon sa buhay kaya lang ay siya na mismo ang tumatanggi dahil hindi na niya kaya. Kapag tinatanong ng mga kapitbahay at kakilala kung saan niya hinuhugot ang happiness na nakikita sa kanya, ito ang kanyang paliwanag:

“Ang pinakamabigat na nangyari sa ating Panginoong Hesukristo ay noong ipako siya sa krus ng Biyernes Santo. Pero nang ikatlong araw, Easter Sunday, Siya ay muling nabuhay at tuluyan nang umakyat sa langit para makapiling ang Diyos Ama. Iyan sa tuwina ang ginagawa kong halimbawa, may katapusan din ang mga problema at malaki ang aking pag-asa na lumigaya  kagaya ng Panginoong Hesukristo.”.

Umaasa si Manang Del na isang araw ay matatapos din ang problema niya at magiging maligaya rin siya kagaya ni Hesukristo.

vuukle comment

TATLONG ARAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with