^

Punto Mo

11-anyos na batang lalaki sa Russia, kayang humila ng sasakyan at magbuhat ng 100-kilong barbell

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

SA kabila ng kanyang edad, nagagawa na ni Timofey  Klevakin ang karaniwan lamang ginagawa ng mga weightlifters katulad ng paghila ng mga sasakyan at pagbubuhat ng gulong ng mga truck.

Nagpupunta na sa gym ang 11-anyos na schoolboy mula Shalya, Russia, simula noong siya ay limang taong gulang pa lamang kasama ang kanyang ama na si Arseniy.

Ayon kay Arseniy, nagsimula ang hilig ni Timofey sa panonood lamang nito ng mga tao sa gym.

Palaru-laro lang daw ito noong una pero nang lumaon, nagsimula nang magbuhat si Timofey ng magagaan na dumbbells at nagsimula na rin niyang gayahin ang galaw niya at ng iba pang nagbubuhat ng weights.

Ngayon ay sumasali na sa mga weightlifting competition si Timofey at nakakabuhat na siya ng 100 kilong weights sa kabila ng timbang niya na 37 kilos lamang.

Bagama’t maraming nangangamba na baka magkaroon ng epekto sa kalusugan ni Timofey ang pagbubuhat nang mabibigat sa kabila ng kanyang murang edad, wala naman daw dapat ipangamba ayon kay Arseniy dahil regular silang kumukunsulta sa mga doktor.

vuukle comment

RUSSIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with