^

Punto Mo

70-anyos na lolo, nakatapos ng 15 kurso sa isang Unibersidad sa Rome

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 70-anyos na lolo mula sa Italy ang tinanghal na world record holder matapos tapusin ang 15 kurso.

Kinilala si Luciano Baietti na may pinakamaraming hawak na university degrees sa mundo.

Nakatira siya sa bayan ng Velletri kung saan araw-araw siya ay gumigising ng alas tres ng madaling araw upang magbasa ng mga librong kailangan niyang aralin.

Una siyang nakapagtapos ng kolehiyo noong 1972 sa kursong physical education at simula noon, nagkaroon na siya ng matin­ding hilig sa pag-aaral.

Ilan lang sa mga kursong kanyang natapos sa loob ng ilang dekada ng pag-aaral ay ang sociology, literature, law, political science at philosophy.

Karamihan sa kanyang mga natanggap na degrees ay mula sa La Sapienza University, isa sa mga pangunahing unibersidad sa Roma at isa sa pinakamatanda sa buong mundo.

Sa kabila ng kanyand edad, wala pa ring balak tumigil sa pag-aaral si Baietti. Nagbabalak siyang mag-enroll muli para sa kanyang ika-16 na kurso na tungkol naman sa food technology.

vuukle comment

LUCIANO BAIETTI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with