^

Punto Mo

Minsan, bumubulong lang ang Diyos

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ISANG binata ang may malaking problema dahil natanggal siya sa trabaho. Ang ina niya ay kasalukuyang nasa ospital. Ilang kompanya na ang pinag-aplayan niya pero rejected siya lagi. Sa isang kompanya ay pinatulan na niya ang posisyon para sa messenger magkatrabaho lang, pero rejected pa rin siya dahil masyado raw mataas ang qualification niya para sa ganoong posisyon. Parang masisiraan siya ng ulo dahil hindi na niya alam ang gagawin. Pumunta siya sa kanyang pastor upang maghinga ng kanyang sama ng loob.

Sa simbahan niya natagpuan ang pastor. Umiiyak niyang sinabi dito ang kanyang problema. Sa sobrang sama ng loob ay napasigaw siya habang nilitanya ang sama ng loob sa Diyos.

“Bakit ganun, nagmamakaawa na ako sa Diyos na tulungan ako pero hindi pa rin Niya ako sinasagot?”

Ang pastor ay lumayo sa kinauupuan ng binata. Ang binata ay nakaupo sa last row ng upuan malapit sa pintuan ng simbahan, samantalang si Pastor ay umupo sa unahan malapit sa altar. Nagsalita ito pero hindi marinig ng binata.

“Ano po ang sinabi ninyo?”

Nagsalitang muli ang pastor.

“Hindi ko po talaga marinig ang boses ninyo” sabi ulit ng binata.

Kaya lumapit ang binata sa kinaroroonan ng pastor. Pabulong pala ang salita nito kaya yumuko ang binata para ilapit ang tenga niya sa bibig ng pastor. Sa wakas narinig niya ang sinasabi nito:

“Minsan, bumubulong lang ang Diyos para huminto tayo sa kasisisi sa Kanya at sa halip ay gumawa tayo ng paraan na maging malapit sa Kanya. At kapag malapit tayo sa Kanya, maririnig natin ang kanyang kasagutan sa idinudulog nating problema.”

vuukle comment

TRABAHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with