^

Punto Mo

Si General Eleazar na kaya?

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

HAPPY New Year mga kosa!

Natapos na rin ang validation ng Palasyo kay Lt. Gen. Guillermo Eleazar, ang Chief of Directorial Staff (CDS) ng Philippine National Police (PNP). Hamahangos na nagbibida ang kosa ko sa Palasyo na hinalungkat nila ang service records ni Eleazar mula 2014 hanggang 2019 at mukhang wala naman silang nakitang dungis dito. Sa mga taon na ‘yun kasi si Eleazar naging hepe ng Anti-Cyber Crime Group (ACG), Quezon City Police District (QCPD), Police Regional Office 4-A (PRO4-A) at National Capital Region Police Office (NCRPO). Ang nakita ng Palasyo ay puro trabaho lang si Eleazar sa pinanggalingang puwesto kaya nakuha niya ang titulong «People’s Choice» para maging chief PNP. Get’s n’yo mga kosa? Ang mga karibal ni Eleazar ay pinasailalim din sa validation ang service records nila subalit walang masabi ang kosa ko sa Palasyo kung ano ang kahihinatnan nito dahil sa tingin ko bias siya o si CDS ang manok niya. Araguuyyy! Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Sa totoo lang, marami ang nag-iendorso kay Eleazar para maging kapalit ni retires PNP chief Gen. Oscar Albayalde na inakusahang sangkot sa “ninja cops” noong director pa siya ng Pampanga PNP. Kung wala lang itong sigalot na dulot ng kaso ni Albayalde, aba tiyak swak na si Eleazar sa puwestong PNP chief. Dahil sa inabot ni Albayalde, ayaw ni President Digong na maulit ito kaya malalimang validation process ang iniutos niya sa lahat ng kuwalipikado sa pagka-PNP chief nga at nakapasa naman si Eleazar. Hak hak hak! Mga kosa, payag ba kayong si Eleazar ang maging PNP chief? Hala boto na!

Ang isang masugid na tagatulak ni Eleazar ay si DILG Sec. Eduardo Año, na hindi nangiming sabihin kay Digong na ang una na lang ang piliin sa tatlong pangalang isinumite niya. Sinabi pa ni Año kay Digong na gigiyahan na lang niya maigi si Eleazar para hindi sumemplang at mapahiya ang Presidente sa pagtalaga sa kanya. Maging ang mga pulitiko ay boto na rin kay Eleazar na puro trabaho lang ang nasa isipan, lalo na noong NCRPO chief siya. At may isa pang kaibigang Intsik si Digong na itinutulak si Eleazar dahil sa pagka-solve ng kidnapping case at hindi tinanggap ang pabuyang isinusubo ng pamilya sa tropa niya. At higit sa lahat, itong Special Action Force (SAF), ang fighting unit ng PNP, ay si Eleazar ang ini-endorso na PNP chief. Araguuyyy! Hak hak hak! Nasa guhit ng palad lang ‘yan, di ba mga kosa?

Kung sabagay, kapag si Eleazar ang napiling PNP chief, ang SAF ang gagamitin niya laban sa mga high value target (HVT) o bigtime drug lords na may kakayahang lumaban sa kapulisan. Si Eleazar ay galing din sa SAF kaya’t alam niya ang integridad ng mga ito lalo na sa pakikipaglaban sa NPA at iba pang terrorist group. Ang SAF kasi ay ginagamit din sa ngayon ng Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) sa pakikipaglaban sa mga “ninja cops” at iba pang sangkot sa extortion. Si Eleazar na nga ba? Abangan!

vuukle comment

GUILLERMO ELEAZAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with