^

Punto Mo

General Almazan, tablado sa sugal-lupa?

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

MAGALING talaga magtago ng baho si Brig. Gen. Johnson Almazan, ang hepe ng Eastern Police District (EPD). Kapag tiningnan ang EPD ngayon mga kosa, aba sobrang tahimik ng mga siyudad ng San Juan, Marikina, Mandaluyong at Pasig at siyempre si Almazan ang dapat purihin d’yan. Subalit hindi pala ‘yan ang katotohanan mga kosa dahil itinatago lang ni Almazan ang mga kaso na sa tingin niya ay makakasira sa liderato niya. Ang isang halimbawa mga kosa ay ang pag-post ng shooting incident sa Pasig kamakailan kung saan nakapaskel na sa viber ng EPD PIO Media Group ang insidente subalit makalipas ang ilang minuto, nawala ito. Abo’t langit ang pagtatanong ng mga taga-media kung bakit tinanggal at kung puwede ay ibalik ito subalit nganga lang ang EPD leadership. Noong isang araw lang si kosang John Aldrin Casinas ng Merpo ay nagtatanong din ng detalye tungkol sa naulinigang shooting incident sa Pasig uli subalit wala ring kasagutan ang EPD PIO Media Group. Bakit? Sa tinuran na ito ni Almazan nangangahulugan na hindi siya honest, ang isa sa mga qualification ni President Digong sa kanyang kapulisan. Araguuyyy! Hak hak hak! Sa pagkaalam ko demokrasya ang pinaiiral ni Digong sa bansa subalit parang nasa martial law pa ang utak ni Almazan, na hindi naman kaklase ni Gringo!

Ang isa pang itinatago ni Almazan ay ang lingguhang intelihensiya niya sa pasugalan dahil ibinabando niya na “no take” talaga siya sa illegal gambling kahit namumukadkad ang palarong lotteng at iba pang sugal sa EPD, di ba Sgt. Marcos alyas Makoy Sir? Kung totoong hindi sumasagi sa palad ni Almazan ang lingguhang payola sa pasugalan, bakit tinanggap niya ang P150,000 weekly payola ng Small Town Lottery (STL) ni Tony Santos na nagbukas noong Nobyembre 1 sa buong EPD? Kung walang payola si Almazan sa sugal-lupa eh may tanggap naman siya sa kay Tony Santos kaya busog siya at ang naiwang tulala ay ang mga pobreng empleado ng EPD dahil ni pangkain ay wala sila. Araguuyyy! Kaya ang siste dahil ibinando niyang «no take» talaga siya alinsunod sa kautusan ni PNP OIC Archie Gamboa, aba GUTOM ang inabot ng mga EPD command group at D-Staff dahil wala silang allowance. Maliban sa parating ni Tony Santos, eh ibinubulsa rin ni Almazan ang tinatawag na MOEE na galing sa Camp Crame at pag nagkataon si EPD chief lang ang bondat sa darating na mga araw at ang mga tauhan niya ay mangangayayat, di ba Gen. Gamboa Sir? Araguuyyy! Hak hak hak! Nakalimutan ‘ata ni Almazan na sa panahon ngayon ng mga hi-tech gadgets eh wala ka na halos maitago, di ba Mr. Aguas?

May kaso pa na nagbukas ang isang peryahan sa Pasig matapos magbigay ng P30,000 sa opisina ni Almazan at ang tumanggap ng pitsa ay si Col. Reggie Lacsamana, ang R2 ng EPD. Subalit pagkatapos ng tatlong araw, ipinasara sila ni Almazan. Nabukulan kaya si Almazan o isa lang itong paraan para maitago ang pitsa-pitsang lakad niya? Araguuyyy! Hak hak hak! Magaling maglaba si Almazan subalit hindi siya sumasampay, di ba mga kosa? Ang opisyal na tulad ni Almazan ay hindi nakakatulong sa pag-angat ng imahe ng PNP! Abangan!

 

vuukle comment

GENERAL ALMAZAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with