^

Punto Mo

Holdaper ng banko, ipinaagaw ang perang nakulimbat habang sumisigaw ng ‘merry christmas!’

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa Colorado ang arestado matapos diumano ay holdapin niya ang isang banko roon at ipaagaw ang salapi sa mga tao sa lansangan habang sumisigaw ng “Merry Christmas!”

Inaresto si David Wayne Oliver, 65, matapos daw nitong holdapin ang Academy Bank sa Colorado Springs noong nakaraang Lunes ayon sa police report.

Gamit daw ang isang armas, nagawang tangayin ni Oliver ang hindi pa matukoy na halaga ng salapi na ipinaagaw naman niya sa mga tao sa kalye pagkalabas niya ng banko.

Ibinalik naman ng mga tao sa banko ang pera matapos nilang pulutin ang mga ito, samantalang si Oliver ay pumunta sa kalapit na coffee shop at hinintay ang mga pulis upang siya’y arestuhin.

Tinatayang libo-libong dolyar ang naholdap ni Oliver, na nakatakdang humarap sa korte.

vuukle comment

MERRY CHRISTMAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with