^

Punto Mo

Hindi art ang vandalism

USAP TAYO - Pastor Joey Umali - Pang-masa

KAILAN ba nagiging form of art ang pagsusulat sa mga pader at kailan ito nagiging act of vandalism? Naging mainit ang isyung ito dahil sa pagpipinta ng mga anti-government graffiti sa bagong pinturang Lagusnilad underpass sa Maynila. Ang gumawa nito’y ang Panday Sining, ang cultural arm ng Anakbayan. Ikinatwiran ng organisasyong ito na ang ginawa ng kanilang mga kaanib ay hindi vandalism, kundi isang art o sining ng pagpoprotesta. Pero hindi kumbinsido si Mayor Isko Moreno at ang libu-libong taga-Maynila kung kaya’t itutuloy nila ang pagdedemanda sa Panday Sining.

Sa ngayon, mayroon ng panukalang-batas na nakahain sa Kamara na nagpapataw ng parusang hanggang labinlimang taong pagkabilanggo at multang hanggang P300,000 sa sinumang mapapatunayang nagnakaw o nanira, tulad ng vandalism, ng mga road signs at iba pang pasilidad ng gobyerno.  Ayon sa tala ng Department of Public Works and Highways, simula noong 2013, mahigit sa 42,558 mga signages o babala, mga gamit at pasilidad ng gobyerno, ang ninakaw o kaya’y pinintahan ng mga propagandang laban sa gobyerno. Hindi pa kasama rito ang mga pribadong ari-arian na naging biktima ng mga pagnanakaw at vandalism. Kailangang lagyan ng ngipin ang batas.

Ang pagpoprotesta ay isang karapatang nirerespeto sa isang demokrasya. Ngunit ang nagsasagawa ng protesta ay kailangan ding respetohin ang batas at ang sensibilidad ng mga taong ang nais ay isang kapaligirang malinis at kaaya-ayang pagmasdan. Tuwang-tuwa ang mga taga-Maynila sa ginawang pagpapaganda ng underpass, kaya dismayado sila sa ginawang vandalism ng Panday Sining. Humingi na ito ng dispensa, ngunit hindi tinanggap ni Yorme na sa sobrang inis ay nagsabi na padidilaan niya sa mga vandals ang mga graffiti na ikinulapol nila sa underpass ng Maynila.

Hindi absolute ang ating mga karapatan maging sa isang demokrasyang katulad ng Pilipinas. Hindi komo may kalayaan tayong magprotesta ay maaari na nating gawin ang lahat sa pag-e-exercise ng gayong karapatan. Hindi komo may kalayaan tayo sa pagsasalita ay maaari na tayong manira ng kapwa. Bawat karapatan ay may katumbas na pananagutan.

Dapat pag-aralan ng mga progresibong grupo ang paraan ng kanilang pagpoprotesta. Hindi nila makukuha ang simpatya ng mamamayan sa pamamagitan ng pagpipinta o pagsusulat ng mga slogan kontra gobyerno sa mga pader at pasilidad sa lansangan. Maaari pang mainis nila ang mga sumasang-ayon sa kanilang ipinaglalaban dahil sa mapanirang pamamaraan. Wika nga ni Machiavelli, “The end does not justify the means.” Ang vandalism ay hindi art, at ang art ay hindi vandalism.

Naalala ko ang isang insidente sa Singapore. Isang Pinoy ang nagtapon ng balat ng kendi sa kalye. Dinampot ito ng isang Singaporean na English-speaking at galit na sinabi sa kanya, “You don’t do this to our highway. This is ours.” Hiyang-hiyang kinuha ng Pinoy ang balat ng kendi at ipinamulsa.

Ito siguro ang mas malalim na problema natin. Hindi natin itinuturing na sariling atin ang mga ari-ariang gobyerno na tulad ng kalye, gusali, street signs, takip ng imburnal, traffic lights, at iba pa. Dahil dito, wala tayong malasakit, masira man o manakaw ang mga ito. Ibang-iba ang ating magiging aksyon kung ang mga ito’y itinuturing nating sariling atin. Magkakaroon tayo ng malasakit at pakialam. Kapag nagkaroon tayo ng malasakit at pakialam, mababago ang Pilipinas.

vuukle comment

VANDALISM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with