^

Punto Mo

Ang Pianista

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ISANG lalaking pianista ang tumutugtog sa bar gabi-gabi. Minsan isang suki at VIP guest ng bar ang nag-request sa may-ari na pakantahin ang pianista.

Nagsalita sa microphone ang may-ari para sabihin sa pianista ang request ng VIP.

‘Nat nais ng ating guest na kumanta ka.’

‘Tumutugtog lang po ako ng piano at hindi po ako singer’

Lumapit ang guest sa pianista na nagngangalang Nat.

‘Please pagbigyan mo na ako. Gabi-gabi ay laging tugtog lang ng piano ang naririnig ko. Gusto ko namang marinig ay ang tinig mo. May nagbulong sa akin na hindi ka lang mahusay sa pagtugtog ng piano, maganda raw ang boses mo.’

Kasubuan na. Baka sa sobrang asar ng may-ari ng bar ay tanggalin siya sa pagiging pianista. Tumayo ang pianista. At biglang bumunghalit ng kantang “Mona Lisa”. Sa umpisa pa lang ng kanta ay nabighani ang lahat ng kostumer sa boses ng pianista na napakasuwabe sa pandinig. Lahat ay napalingon at napahinto sa pagkukuwentuhan.

Nang tumagal, ang pianista ay sumikat. Hindi sa pagtugtog ng piano kundi sa pagkanta. Ang lalaking pianista na napilitan lang kumanta ay si Nat King Cole. Kung hindi dahil sa pamimilit ng kostumer, hindi niya maipapakita ang kanyang talento na pinababayaan lang niyang nakatago.

vuukle comment

VIP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with