^

Punto Mo

‘Santa University’ patok na patok sa mga gustong maging santa claus

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ALAM n’yo bang may unibersidad para maging mahusay at propesyunal na Santa Claus?

Kakaiba ang unibersidad na ito sapagkat dito itinuturo ang lahat nang kaalaman para mahasa ang isang nangangarap na Santa Claus.

Ito ang “Santa Claus University” sa Colorado na inoorganisa ng kompanyang Noerr Programs taun-taon para sa mga taong gustong matuto kung paano maging isang kapani-paniwalang Santa Claus sa panahon ng kapaskuhan.

Apat na araw tumatagal ang training na pagdadaanan ng kalahok sa programa at sa panahong iyon ay tuturuan sila ng tamang paraan ng pag-pose sa mga pictures, kung paano umupo habang may kalong na bata, at kung ano ang gagawin kung mag-wish ang bata ng isang bagay na hindi madaling ibigay.

Kasama na rin sa training ng mga estudyanteng Santa ang tamang paggamit sa social media para sa kanilang trabaho. Itinuturo rin sa Santa University ang tamang pangangalaga sa kalusugan lalo na sa panahon ng Kapaskuhan kung kailan kaliwa’t kanan ang magiging trabaho ng mga Santa Claus.

Hindi madali makapasok sa Santa University dahil sinasala ng Noerr Programs ang mga aplikante na gustong pumasok. Dumaraan sa puspusang background checks at ilang round ng interviews ang mga aplikante at ang kadalasang napipili ay iyong mga may karanasan na sa pag-arte, sa paggawa ng mga laruan, at iyong mga may kaalaman sa pakikisalamuha sa mga special children. Madalas din na napipili iyong mga may alam na ibang lengguwahe bukod sa English at iyong may mga natural na puting balbas.

Sinisigurado naman ng Noerr Programs na matututo ang mga lalahok sa kanilang programa dahil bahagi ito ng kanilang negosyo. Sa Noerr Programs kasi kumukuha ang 287 shopping malls sa Amerika ng mga Santa Claus tuwing Kapaskuhan kaya sinisigurado nilang dumaan sa matinding pagsasanay ang mga ito.

vuukle comment

SANTA CLAUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with