^

Punto Mo

Ang ‘malinamnam’ na Pasko

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

NOON simple lang ang pagdiriwang namin ng Pasko pero naroon ang tunay na saya na hindi ko maipaliwanag. Sa pagluluto pa lang ng spaghetti ay may paligsahan nang nagaganap sa aming kusina, sa pagitan ko at sa aking ama. Bawat isa kasi sa amin ay nag-iilusyon na magaling kaming cook. Iyon daw ang mahirap kapag may dalawang mahusay magluto sa pamilya, literal na nagtatalo kung kaninong recipe ang dapat sundin. Sa bandang huli, nagkakaroon kami ng kasunduan ni Tatay, siya ang magluluto ng paksiw na pata dahil expert siya doon at ako ang naka-assign sa spaghetti. Pinagtutulungan nina Tatay at Nanay ang pagluluto ng tikoy. Hindi na ako nakikipag-agawan sa pagluluto ng tikoy dahil mahirap lutuin iyon.

December 22 pa lang ay inihahanda na ng aking ina ang malagkit na bigas na principal ingredient ng tikoy Tagalog. Ganoon ang tawag namin sa aming tikoy para matukoy na iba ito kaysa tikoy ng Intsik. Kasama sa inihahanda ay mga kawayang paglulutuan ng tikoy. Kapag naputol na ang kawayan sa habang 1.5 feet ay bumbong na ang tawag dito. Sa bumbong isasalin ang giniling na malagkit na hinaluan ng gatas, itlog, butter at asukal. Tapos tatakpan ang bumbong ng katsa na tinalian ng abaka. Madaling araw ng December 23 niluluto ang tikoy.

Ilalagay ang mga bumbong nang nakatayo sa malalaking lata na may lamang tubig. Lulutuin sa kumukulong tubig ang tikoy ng 6 hanggang 8 oras. Kahoy at bao ang ginagamit na panggatong dito. Dinadamihan ang nilulutong tikoy dahil ito pa rin ang inihahanda sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Hindi kumpleto ang Pasko kapag walang tikoy na nakahain sa hapag kainan. Kadalasan ay paksiw na pata ng baboy ang kapartner ng tikoy. May kakaibang sarap na dulot ang asim ng paksiw sa tamis ng aming tikoy. Kahit iyon lang ang handa sa Pasko, pakiramdam namin ay kuntento na kami. Iba talaga ang saya ng Pasko noon sa kabila ng kasimplehan na pagdiriwang.

Ngayon ay wala nang tikoy, hindi na rin ako nagluluto ng paksiw na pata dahil hindi kumakain  nito ang aking mga anak. Bagaman ay nasasarapan kaming mag-asawa sa mga nabanggit, ayaw naming tumaas ang aming blood sugar at blood pressure. Mahal ang gamot! Sa puntong ito, sarap o sakit lang naman ang pagpipilian. Kaya nanamnamin ko na lang ang dating malinamnam na Pasko sa aking panaginip.

Merry Christmas sa inyong lahat!

vuukle comment

PASKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with