^

Punto Mo

Build, Build, Build ng character: Ito ang totoong kailangan natin

USAP TAYO - Pastor Joey Umali - Pang-masa

WALANG matutuwa sa balitang ito: kulelat ang Pilipinas sa “Reading,” pangalawa sa kulelat sa Science at Math, at may pinakamataas na kaso ng bullying sa 79 na bansa na sinurvey ng Program for International Student Assessment (PISA) noong nakaraang taon.

Ayon sa survey, 65 porsiyento ng mga estudyanteng Pilipino sa high school ang nakakaranas ng pambu-bully ng ilang beses buwan-buwan, mas mataas kaysa 23 porsyentong average ng ibang bansang kasama sa survey. Napag-alaman din sa survey ang malapit na kaugnayan ng bullying sa di-magandang academic performance.

Malungkot ang resulta ng survey, sapagkat ipinakikita nito ang pagsadsad ng academic performance at ng character ng mga estudyanteng Pilipino. Para sa akin, ang higit na alarming ay ang pagsadsad ng character ng ating mga estudyante. Kaya maraming nabu-bully ay sapagkat maraming nangbu-bully. Mayroon na tayong Anti-Bully Law, ngunit napatunayan natin na walang kakayahan ang batas na baguhin ang ugali ng tao.  Ang batas ay repleksyon ng katigasan ng ulo ng mga mamamayan. Mas maraming batas, mas maraming masamang ugaling binabantayan.  Hindi kailangan ang Anti-Bully Law kung walang nang-bubully.  Hindi kailangan ang batas laban sa katiwalian kung walang mga tiwali.

Naalala ko nang minsang tanungin si Hesus kung bakit pinahintulutan ni Moises ang diborsiyo, ganito ang tugon Niya sa Mateo 19:8, “Dahil sa katigasan ng inyong ulo kaya ipinahintulot ni Moises na hiwalayan ninyo ang inyong asawa. Subalit hindi gayon sa pasimula.” Bakit napakaraming batas dito sa atin? Simple ang dahilan, kasi, matigas ang ating ulo.

Mangangailangan ng magkatuwang na pagkilos ng pamilya, simbahan, eskuwelahan at gobyerno para “palambutin” ang ating ulo at maisaayos ang ating character bilang mga Pilipino.  Noong araw, may aralin sa eskwela na Good Manners and Right Conduct (GMRC) at ito’y may kaukulang grado. Kahit napakagaling mo sa academics kung bagsak ka sa GMRC, hindi ka puwedeng ma-honor. Ngayon ay inintegrate sa lahat ng aralin ang GMRC at wala na itong grade.  Maraming nagsasabi na isa ito sa mga dahilan ng pagbagsak ng character ng mga estudyanteng Pilipino.

Kaya naman may inihaing panukalang-batas sa Senado na nagmamandato ng pagtuturo ng Comprehensive Values Education sa lahat ng eskwelahan, kasama na rito ang GMRC.  Malaking tulong ito kapag naisabatas. Gayunman, ang may pinakamalaki pa ring kontribusyon sa pagkakaroon ng maayos na character ng tao ay ang pamilya.  Hindi ako sang-ayon sa sinabi ng American author na si Robert Fulghum na, “Lahat ng dapat niyang matutuhan ay natutuhan niya sa kindergarten.”  Sapagkat ang totoo, lahat ng dapat nating matutuhan ay sa bahay natin natututuhan.

Ang pundasyon ay ang pagkakaroon ng mga ama at inang matuwid, marunong magmahal sa Diyos, sa kapwa at sa bayan. Ang isang amang sinungaling ay mas malamang na magkaroon ng anak na sinungaling.  Ang isang inang tsismosa ay mas malamang na magkaroon ng anak na tsismosa.

May isang African proverb na nagsasabi ng ganito, “It takes a village to raise a child.” Kailangan ang isang buong komunidad upang mapalaki ang isang bata. Kailangan ang pagtutulungan ng pamilya, simbahan, eskwelahan at gobyerno upang tayo’y makalikha ng mga kabataang matuwid, may dangal, may pagmamahal sa Diyos, sarili, kapwa at bayan. Kailangang maitaas ang character ng ating mga kabataan.  Dito totoong kailangan ang “Build, build, build.”

vuukle comment

BUILD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with