^

Punto Mo

Ang ‘dengue theory’ ni Sinas vs. ninja cops!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

MAGING si NCRPO chief Brig. Gen. Debold Sinas ay walang kasagutan kung bakit patuloy pa rin ang mga tiwaling pulis sa pag-recycle o pagbenta ng droga kahit mahigpitan o pinaigting na ang internal cleansing ni PNP OIC Lt. Gen. Archie Gamboa. Gayunpaman, ipinaliwanag ni Sinas na sa pamamagitan ng “dengue theory” dahan-dahan ding malalagas o masibak ang mga tinatawag na “ninja cops” dahil walang puwang sila sa hanay ng PNP. Inihantulad ni Sinas ang mga ninja cops sa sakit na dengue kung saan walang treatment dito. Subalit para gumaling ang may sakit ng dengue ay uminom nang maraming tubig o hydration para malinis ang dugo at presto... balik na sa normal ang kilos ng pasyente. At sa “dengue theory” ni Sinas, dahan-dahan ding nililigwak ang mga ninja cops, lalo na ang mga nakalista sa watchlist ng Directorate for Intelligence (DI) sa Camp Crame. Araguuyyy! Hak hak hak! Kaya hindi nagmamadali si Sinas sa paglilinis ng hanay ng NCRPO dahil alam niya tuluy-tuloy din naman ang pagtutugis sa kanila ng mga tauhan ni Col. Ronald Lee, ang hepe ng Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG). Tumpak!
Nitong nakalipas na araw lang, nabawasan ang bilang ng ninja cops dahil sa na-neutralize ng IMEG si ret. Cpl. Tirso Lactaotao sa isang drug sting sa Bgy. Novaliches Proper sa Quezon City. Sinabi ni Lee na nakumpiska nila kay Lactaotao ang dalawang celfone kung saan lumitaw ang drug transactions niya sa Rizal, Caloocan City at Quezon City. Karamihan sa ka-transactions ni Lactaotao, ayon kay Lee, ay mga pulis at sampu sa kanila ay tukoy na, pati assignment nila sa mga presinto sa Metro Manila at karatig lugar. Araguuyyy! Alam naman ng mga kosa ko na seryoso si Lee pagdating sa trabaho ay tiyak bilang na ang mga araw ng ninja cops, di ba mga kosa? Noong nakaraang Lunes naman, pinaslang ng riding-in-tandem si M/Sgt. Napoleon Zamora sa MLQ St., Purok 1 sa Taguig City. Makikita sa litrato na may suot pang mamahaling relos si Zamora. Hindi pa mabatid kung sinu-sino ang mga suspects sa pagpaslang kay Zamora, subalit iniimbestigahan sa Camp Crame ang report na nagpapatayo siya ng P7 milyon na bahay sa Quezon City. Araguuyyy! Baka naman may negosyong legal si Zamora, na naka-assign sa HSS ng NCRPO kaya marami siyang pitsa at hindi ito galing sa droga, di ba mga kosa? Hak hak hak! Kung sabagay, hindi pa tapos ang imbestigasyon sa background ni Zamora na dating naka-assign sa Quezon City Police District (QCPD). Tumpak!
Ayaw magkomento si Sinas tungkol sa ongoing operations ng mga bataan niya at ng IMEG vs ninja cops. Basta ang pangako niya may kalalagyan sila kapag hindi sila nagbago dahil puspusan na ang internal cleansing nya sa NCRPO. Araguuyyy! Kaya sa mga tiwaling pulis diyan, seryosohin n’yo si Sinas para mahabang panahon pa na ma-enjoy n’yo at ng pamilya ang karagdagang suweldo na ibiniyaya sa inyo ni President Digong. Abangan!

 

vuukle comment

DENGUE THEORY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with