^

Punto Mo

EDITORYAL – Umarangkada na ang ‘water jeepneys’

Pang-masa
EDITORYAL � Umarangkada na ang �water jeepneys�

SINIMULAN na noong nakaraang linggo ang ope­ration ng “water jeepneys”. Ang “water jeepneys” ay bumibiyahe mula Cavite City patungong Cultural Center of the Philippines (CCP) fort at deretso sa Liwasang Bonifacio sa Maynila. Inilunsad ito ng Department of Transportation sa pakikipagtulungan ng dalawang shipping companies – Seaborne Shipping Co. Inc. at Shogun Shipping Co. Inc. Ayon kay DOTr Sec. Arthur Tugade, ang “water jeepneys” ang sagot sa nararanasang trapik sa kasalukuyan. Magkakaroon ng alternatibong paraan ng pagbiyahe ang mga nakatira sa Cavite patungong Maynila.

Kapaki-pakinabang ang “water jeepneys” sapagkat ang 3 hanggang 4 na oras na biyahe mula Cavite patungong Maynila ay magiging 20 minutes na lamang. Ang regular fare ng “water jeepneys” ay P200. Mag-ooperate ang “water jeepneys” mula 5:15 ng umaga hanggang 7:45 ng gabi.

Sa kasalukuyan, grabe na ang nararanasang trapik sa Metro Manila at maaari pang lumubha ngayong panahong ng kapaskuhan kaya malaking tulong sa commuters ang “water jeepneys”. Iwas na sa trapik ay mabilis pa kaya madaling makakarating sa paroroonan.

Pagtuunan din naman ng DOTr ang pagpapasigla sa Pasig River ferry system sapagkat maganda rin itong alternatibo sa panahon ngayon na halos nauubos ang oras ng commuters sa trapik. Noong nakaraang Oktubre may proposal na buhayin ang operasyon ng Pasig Ferry. Pagagandahin umano ang 14 na stations nito para mapagsilbihan ang commuters mula Maynila, Mandaluyong, Makati at Pasig.

Sa aming paniwala, mahihikayat ang mga tao na sumakay sa ferry kung lilinisin muna ang maruming Pasig River. Marami ang hindi tatagal sa makabaliktad-sikmurang amoy ng tubig. Isa pang problema ay ang mga ginagawa ng mga nakatira sa pampang ng Pasig River na hinahagisan ng dumi ng tao ang dumaraang ferry.

Kapag nalinis ang ilog at nasawata ang mga pasaway sa pampang, tiyak na dudumugin ang Pasig ferry. Maraming sasakay dito para makaiwas sa sobrang trapik sa Metro Manila.

vuukle comment

ARTHUR TUGADE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with